Dapat pangalanan na ni ‘Totoy’ ang mga parak na ‘brutal na pumatay’ sa mga missing sabungero
- BULGAR

- Jul 7, 2025
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 7, 2025

SIGURADONG TALO ANG ‘MANOK’ NI PBBM SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION KAPAG MAY ‘NANGYARING MASAMA’ KAY EX-P-DUTERTE SA ICC JAIL -- Nabahala ang dating misis ni ex-P-Duterte na si Elizabeth Zimmerman, ermat nina Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, Davao City Cong. Pulong Duterte at acting Mayor Baste Duterte na sa kanyang pagbisita sa dating pangulo sa kulungan nito sa International Criminal Court (ICC) jail na hindi na raw gaanong makakilos sa sobrang kapayatan ang ex-president.
Kaya’t kung sakaling may ‘mangyayaring masama’ kay ex-P-Duterte ay asahan na ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na olat o talo aabutin ng kanyang ‘manok’ sa 2028 presidential election, boom!
XXX
SA MGA SENADOR NA NAG-FILE NG 10 PRIORITY BILLS SA 20TH CONGRESS, ANG KAY SEN. BONG GO ANG THE BEST DAHIL SAMBAYANANG PINOY ANG MAKIKINABANG -- Sa mga senador na nag-file ng kanilang 10 priority bills para sa 20th Congress, ang mga isinumite ni Sen. Bong Go ang masasabing mamamayan ang makikinabang sa kanyang mga panukalang batas dahil kabilang dito ang para sa pangkalusugan, pang-edukasyon, pangtrabaho, pangkalamidad at pang-sports.
Ang nais nating ipunto rito, ang 10 priority bills ni Sen. Bong Go ang the best kasi nga sambayanang Pinoy ang mabibiyayaan sa kanyang mga panukalang batas, period!
XXX
MGA PARAK NA ‘PUMATAY’ SA MGA MISSING SABUNGERO, DAPAT HUBARAN NG MASKARA, PANGALANAN NA NI ALYAS ‘TOTOY’ -- Sabi noon ni Julie "Dondon" Patidongan alyas “Totoy” ay papangalanan daw niya ang mga pulis na ‘brutal na pumatay at naglubog’ sa Taal Lake sa mga missing sabungero pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapangalanan.
Dapat matapos niyang pangalanan sina Atong Ang at Gretchen Barretto na kabilang daw sa mastermind sa kaso ay sana pinangalanan na rin niya ang mga parak para mahubaran na ng maskara at makilala ng publiko ang mga ito na ‘pumatay’ sa mga missing sabungero, boom!
XXX
SA PANAHON NG MARCOS ADMIN, NAGING TALAMAK ANG MGA RAKET, MAY SUGALAN NA SA SOCIAL MEDIA, MAY SUGALAN PA SA KALSADA -- May mga senador at kongresista na nagsusulong na ipagbawal na ang online gambling.
Aba teka, bakit online gambling lang, dapat ipagbawal na rin pati raket na lotteng nina "Boy Abang," "Lorna" at "Paknoy" sa Maynila, nina "Haruta" at "Joy" sa Paranaque," ni "Onie" sa Las Pinas, ni "Toto" sa Makati, ni "Edmon" sa Caloocan, nina "Mario Bokbok" at "Judy" sa Malabon at Navotas.
Sa totoo lang, sa panahon lang ng Marcos administration naging talamak ang mga ganitong raket, may sugalan na sa social media, may sugalan pa sa kalsada, buset!







Comments