top of page

Dapat mag-rally din sa tapat ng ICI, baka sakaling isapubliko ang imbestigasyon sa flood control scam

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 19, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAPAG TINOTOO NG LIDERATO NG AFP NA TANGGALAN NG PENSYON ANG MGA RETIRED MILITARY OFFICIALS, LALONG TITINDI ANG GALIT NILA KAY PBBM -- Pinag-aaralan daw ngayon ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-revoke o kanselahin ang pension ng mga retired military officials na nangungimbinse sa mga active junior and senior military officials na mag-aklas o mag-withdraw ng support kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Naku, eh kapag tinotoo na tanggalan sila ng pension ay asahan nang lalong titindi ang galit ng mga retired military kay PBBM, boom!


XXX


LALONG MAGAGALIT SA MARCOS ADMN ANG TAUMBAYAN KAPAG GINAWANG STATE WITNESS SI ROMUALDEZ -- Itinanggi ng Dept. of Justice (DOJ) na kinokonsidera nilang state witness si Leyte Rep. Martin Romualdez sa flood control projects scam dahil hindi naman daw nag-a-apply ang dating House speaker na magpasailalim sa Witness Protection Program (WPP).


Kahit pa mag-apply sa WPP ay hindi dapat gawing state witness si Romualdez dahil kapag ginawa nila iyan, tiyak mas lalong magagalit sa Marcos administration ang taumbayan, period!


XXX


PARA MATIGIL NA ANG ANTI-CORRUPTION RALLY, DAPAT BILISAN NG ICI ANG IMBESTIGASYON UPANG MAPANAGOT NA ANG MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM -- Matapos maglunsad ng anti-corruption protest ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) noong October 12, 2025, ay sinundan ito kamakalawa (October 17) ng anti-corruption rally ng mga kabataang estudyante, at sa statement naman ng mga civil society groups at iba pang cause-oriented groups ay linggo-linggo na raw silang magsasagawa ng anti-corruption rally hangga’t hindi napapanagot ang mga sangkot sa flood control projects scam.


Aba’y dapat nang atasan ni PBBM ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na bilis-bilisan ang pag-iimbestiga upang mapanagot na ang lahat ng mga dawit sa anomalya para matigil na ang anti-corruption rally, kasi kung babagal-bagal at laging may magaganap na protesta laban sa katiwalian ay may malaking epekto iyan sa ekonomiya ng bansa dahil iisipin ng international community na sobrang lala na ang corruption sa ‘Pinas kasi weekly ay may nagsasagawa ng rally laban sa mga ‘buwaya’ sa pamahalaan, boom!


XXX


DAPAT MAY MAG-RALLY DIN SA TAPAT NG TANGGAPAN NG ICI AT BAKA SAKALI MAOBLIGANG ISAPUBLIKO ANG IMBESTIGASYON NILA SA MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM --Dapat sa susunod na may gagawing anti-corruption rally ang iba’t ibang sektor ng lipunan ay sa harap ng tanggapan ng ICI sila magsagawa ng protesta.


Kapag d’yan (ICI) nila ginawa ang anti-corruption rally ay baka maobliga na ang ICI na isapubliko ang ginagawa nilang hearing sa flood control projects scam, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page