Dapat gawin upang maging foster parent sa Pilipinas
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 29, 2021
Dear Chief Acosta,
Ano ang maaari kong gawin upang maging foster parent sa Pilipinas? – Jill
Dear Jill,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 10 ng Republic Act (R. A.) No. 10165, o mas kilala sa tawag na “Foster Care Act of 2012” kung saan nakasaad ang sumusunod:
“Section 10. Issuance of License. – The DSWD shall issue a Foster Family Care License based on the Home Study Report submitted by the agency to determine the motivations, capacities and potentials for development of applicants. The license is renewable every three (3) years unless earlier revoked by the DSWD.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, kinakailangan munang kumuha ng lisensiya ang taong nais na maging foster parent sa Pilipinas. Ang lisensiyang ito ay ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) base sa Home Study Report kung saan pinag-aaralan ang mga motibasyon, kapasidad at potensiyal sa pag-unlad ng mga aplikante para rito. Ibig sabihin, kailangan ninyo munang kumuha ng nabanggit na lisensiya bago kayo maging foster parent sa Pilipinas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments