Dapat daw iwasan.. HIRIT NI NADINE: MGA TAONG BASTOS KAUSAP, ASAL-IMBURNAL
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 06, 2022

May pasaring ang aktres na si Nadine Lustre para sa mga taong 'maanghang kung magsalita' o mga taong walang modo kung makipag-usap.
Sa kanyang Twitter account, may tweet ang aktres na parang nagbibigay ng payo sa kagandahang-asal sa mga may kagaspangan ang pag-uugali, kung paano makipag-usap sa mga tao nang may pagrespeto at pagpapahalaga sa pakikipag-conversation.
Sey ni Nadine, iwasang makipag-usap sa mga taong nagsasalita ng vulgar words like “bobo” or “tanga”.
Aniya, "This 2022, avoid arguing with people who resort to “bobo”, “tanga” or blocks u in a convo. Let’s be civilized and have proper conversations like human beings."
Sinalubong ni Nadine ang Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya at ang boyfriend na si Christophe Bariou.
Ayon pa kay Nadine, "Those who keep on conversing using that kind of language are akin to ‘asal-imburnal.’
"2022 na, asal-imburnal pa rin."
Si Nadine ay isa lang sa mga aktres na masasabing palaban ang personalidad.
May isa ngang pagkakataon na isang professor ang nagkomento nang magbigay ang aktres ng kanyang pananaw tungkol sa history.
She pointed out that she never said studying history was a waste of time, but underscored how she used the word "repetitive."
Aniya, "For the record, I never said studying History was a waste of time. Even as a kid, it is something I am interested in… Nothing really changed until now. I just said it was counterproductive going thru the same topic over and over."





Comments