top of page
Search
  • BULGAR

Daniel, Star Magic pa rin, Kathryn, babu na?

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 24, 2024




Muling pipirma ng kontrata sa Star Magic at Kapamilya Network ang aktor na si Daniel Padilla pero mas curious ang madlang pipol kung totoo ang usap-usapang tatalon na ng “Crown Artists Management” ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez ang aktres na si Kathryn Bernardo.


Kamakailan nga ay umugong ang mga tsikang aalis na ang aktres sa Star Magic at wala pa ring post si MJ Felipe na nu'ng nakaraan nga ay kinumpirma ang muling pagpirma ni Daniel sa susunod na buwan sa kanilang kinalakihang network.


Dumagdag pa sa ingay ng mga Marites ang artikulo ng PEP Troika na may posibilidad daw na CAM na ang magma-manage kay Kath.


Magkakaroon na nga ng mas malawak na oportunidad para sa aktres dahil maaari na siyang gumawa ng mga proyekto sa labas ng ABS-CBN at Star Cinema kung totoo man ang mga tsismis.


Matatandaang nilinaw ng ina ni Kath na si Min Bernardo na hindi aalis sa Kapamilya Network ang award-winning actress matapos ang isyu ng hiwalayan nila ni Deej.


Wala pa namang pahayag si Kathryn at tahimik lang ang Star Magic, ABS-CBN, pati na ang CAM sa mga tsismis.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page