ni Julie Bonifacio @Winner | October 12, 2025

Photo: Richard Poon - IG
Inulan ng batikos ang Filipino-Chinese singer-songwriter na si Richard Poon sa post ng isang restaurant sa Marikina City kung saan nakatakdang mag-show ang tinaguriang “The Philippines’ Big Band Crooner”.
Hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers si Richard sa pag-endorso niya kay former President Rodrigo Duterte nu’ng tumakbong pangulo.
Sa madaling salita, isang DDS (diehard Duterte supporter) si Richard.
Sey ng mga netizens…
“A Big NO to DDS!!"
“Hell no. DDS ‘to si Poon.”
“Kulto = Poon.”
Pero may mga nagtanggol naman kay Richard at sey ng fan, “The guy is brilliant and talented. To hell with politics.”
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pangungutya kay Richard sa pagiging DDS.
“Bring him home? Nope!”
Hindi ito pinalampas ni Richard at sinagot niya ang isang komento.
Reply ni Richard, “Hi! Michael ****, sadly no, I wear a black full suit with white inner when I play music for Senior Citizens.”
Isa pang comment-post ang pinatulan ni Richard.
Comment ng netizen, “Kaya pala ‘di na nakikita sa ASAP, DDS pala! Idol ko ‘to, eh, manonood sana ako sa gig n’ya, kaso nu’ng nabasa ko mga comments, nawalan na ako ng gana. Sa isang iglap naging DEMONYO na rin ang tingin ko sa maamong mukha n’ya! Magagaya rin ito kay Jimmy Bondoc, lalangawin ang mga concerts at gigs.”
Reply ni Richard sa netizen, “Naging demonyo na tingin mo sa mukha ko? Because I do not subscribe to your preferred political beliefs?”
Pati ang eskuwelahan na pinasukan ni Richard ay nalait.
Sey ng isang netizen, “La Salle nag-aral pero DDS. Sayang ang tuition fee.”
Of course, sumagot ulit si Richard, “Sayang ang tuition fee? I don’t believe I need to demonize my deceased father’s hard-earned money to send me to school just because I don’t subscribe to your political beliefs.
“And all DLSU graduates should have your same political beliefs in order to justify tuition fees? I think not. Stay healthy & safe,” sabi ni Richard Poon.
Oh, ‘di ba?
SPOTTED namin si Enrique Gil na palabuy-laboy sa sinehan sa Shangri-La EDSA kung saan ginaganap ang Cinemalaya.
Ewan ba namin kung bakit tila gustong itago ng aktor ang kanyang mukha sa mga tao roon. Nakasuot kasi siya ng sumbrero na nakababa na halos matakpan na ang kanyang mga mata. Tila ayaw niyang makilala o mabati ng mga tao.
Mabuti na lang at hindi naman ganoon karami ang tao na nagpunta sa Cinemalaya event kaya mabibilang lang talaga sa mga daliri ang nakapansin kay Enrique.
Although, hindi rin siya ganoon ka-welcoming sa mga bumabati sa kanya. Paglampas at paglingon namin muli kay Enrique, naglaho na siyang parang bula habang kami naman ay pumasok na sa loob ng Cinema 2 ng Shangri-La para makinig sa book reading ng dalawang bagong libro ng National Artist for Film na si Ricky Lee.
Ang dalawang bagong libro ni Sir Ricky ay ang Pinilakang Tabing at Agaw-Tingin (Koleksyon ng non-fiction ni Ricky Lee).
Ang mga batikang direktor ang mga nagbasa ng excerpts sa mga libro ni Sir Ricky. Una na d’yan ang box-office director na si Erik Matti na sinundan nina Jerrold Tarog, Paolo Villaluna, Zig Dulay, Jade Castro, Carlitos Siguion-Reyna, Laurice Guillen atbp..
Hindi nakarating ang iba pang directors na inimbita para sa book reading gaya nina Cathy Garcia-Sampana at Joel Lamangan.
Nakahabol at nag-perform naman si Karylle kasama ang dalawang Tawag ng Tanghalan (TNT) champions. Pinilit talaga niyang makahabol mula sa live episode ng It’s Showtime (IS) at sa taping nito. Hindi agad nakaalis si Karylle sa taping dahil umupo pa siya bilang isa sa mga hurado sa TNT.
Anyway, tama si Sir Ricky when he said na mas mahusay ang pagbabasa sa mga linya sa kanyang libro ng mga direktor kaysa sa mga artista sa mga nakalipas niyang book reading events.
Agree kami d’yan.






