top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg

DANIEL, NAG-ATTITUDE RAW PARA KAY KAILA, FANS NASAMPULAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 20, 2026



Todo-protekta kay Kaila…
DANIEL, NAG-ATTITUDE RAW SA MGA NAGKAKAGULONG FANS, NA-BASH

Photo: FB / Circulated



Pinagpipiyestahan ngayon ang video nina Daniel Padilla at Kaila Estrada kung saan makikitang pinagalitan ng aktor ang mga fans nang dumugin sila habang papasok ng sasakyan.


Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang viral video na kuha ng isang fan.

Mapapanood sa clip na nagkakagulo para makapagpa-picture sa kanila at inawat sila ni DJ na tila pinoprotektahan si Kaila.


“Huy, huy, tayu-tayo rin ‘to. Ba’t tayo nagkakaganito? Ano ba?!” ang sabi ni DJ.

Kasunod nito ay tila inayos ni DJ ang upuan ni Kaila sa kotse at saka inalalayan ang rumored girlfriend papasok.


“Nagkakaipitan na tayo, ano ba ‘yan?” wika pa ni Daniel sa mga fans.

Nang makapasok na si Kaila sa sasakyan ay makikitang sinita ulit ng aktor ang mga fans.

“Ano’ng nangyayari sa ‘tin, guys? Ano ‘to?” sey pa niya.


Dahil dito, na-bash nang katakut-takot si Daniel at sinabihang isnabero.

Ipinagtanggol naman ni Ogie ang aktor at sinabing hindi gustong tarayan ni Daniel ang mga fans kundi pinoprotektahan lang nito si Kaila. 


Most of the time ay accommodating naman daw si Daniel sa mga fans, pero siyempre, hindi naman puwedeng sa lahat ng pagkakataon dahil may mga oras din na wala sila sa mood or hindi maganda ang pakiramdam.


Anyway, dedma naman ang aktor sa mga bashings na natatanggap at wala pa siyang pahayag tungkol dito. Pero knowing him, hindi na niya papatulan pa ito.





Mga bida ng animated film…

H.E.R. AT LIZA, DARATING SA ‘PINAS PARA SA FORGOTTEN ISLAND



NAKATAKDANG umuwi ng Pilipinas si Liza Soberano at ang American-Filipina R&B singer-songwriter na si H.E.R., kasama ang ilan pang big names behind the upcoming animated film na Forgotten Island (FI) ngayong Agosto.


Ayon sa ulat ng ABS-CBN, darating sa bansa sina H.E.R. at Liza kasama ang directors na sina Januel Mercado at Joel Crawford, at producer na si Mark Swift para sa special events at screenings ng pelikula.


Isa sa mga events na puwedeng puntahan ng mga fans ay gaganapin sa SM Mall of Asia (MOA) Main Atrium at 7 PM sa August 25.





Exciting ang kanilang pagbisita dahil bukod sa makakasama mismo ng mga fans ang cast at mga filmmakers, pagkakataon din ito para mas makilala ang isang animated film na may malaking Filipino influence.


Ang FI ay isang fantasy adventure na heavily inspired by Philippine mythology. Kuwento ito ng magkaibigan na biglang napunta sa isang mysterious at magical island na puno ng creatures na dati pa nilang naririnig sa mga kuwento ng kanilang Filipino families.


At hindi lang sina H.E.R. at Liza ang Filipino representation sa movie.

Kasama rin sa impressive voice cast sina Manny Jacinto, Dolly de Leon, Jo Koy at Lea Salonga, kasama ang mga Hollywood stars na sina Dave Franco, Jenny Slate at Ronny Chieng.


Mapapanood ang Forgotten Island sa Philippine cinemas starting September 23.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page