top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Daniel at Enrique, taob na… DONNY, BAGONG CRUSH NG BAYAN, INAMIN NG 3 SA CALISTA

  • BULGAR
  • Mar 18, 2022
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 18, 2022




Siguro naman ay malawak ang pang-unawa nina Daniel Padilla at Enrique Gil at hindi na nila ikai-insecure kung si Donny Pangilinan na ang bagong Crush ng Bayan ngayon at hindi na sila.


Of course, ganu'n naman talaga sa showbiz, hindi habambuhay ay ikaw ang nasa tuktok, 'di ba?


Bakit namin nasabi ito? Eh, kasi, nu'ng makausap namin via Zoom mediacon ang anim na miyembro ng bagong sumisikat ngayong all-female group na Calista, na kamakailan ay ipinakilala nga sa press people dahil sa kanilang single na Race Car, tatlo kina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle, and Dain ang umaming crush nila si Donny Pangilinan habang 'yung tatlo ay sina Joshua Garcia, Daniel Padilla at Enrique Gil naman ang type.


Oh, 'di ba, para mapansin si Donny ng tatlo sa anim na Calista I-Pop girl group, ibig sabihin, ang lakas ng dating ng anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa.

Samantala, nagsimula nga sa Pilipinas pero ngayon ay napapansin na globally ang single na Race Car ng Calista.


Sa grand media launch ng nasabing grupo noong Marso 8 sa Novotel, Araneta City, Cubao, Quezon City, inilunsad din ang kanilang single at unang ipinalabas sa madla ang kanilang music video.


Nasa Spotify na rin at YouTube at iba pang digital platforms ang kanta. Napapansin na rin ito sa Amerika, Europe at Korea.


Noong Marso 15, inilabas ng Star Daily News sa Korea ang feature ukol sa Calista. Nakasulat man sa Korean language ang article, maaari namang mabasa ang English translation nito.


Sopistikada raw ang beat ng musika at mataas ang level ng pagkanta at pagsayaw ng Calista.


Ang artikulong nabatid ay na-pick-up ng Naver, ang tinaguriang Google ng South Korea.


“Laking tuwa namin at napansin ng Naver ang Calista, marahil ay dahil na rin sa ating international approach,” ayon kay Tyronne Escalante, ang manager ng grupo.

Tubong-Pilipinas ang lahat ng miyembro ng Calista. Laking-tuwa rin ng anim na girlash na may lumalabas nang balita ukol sa kanila sa ibang bansa.


Ipinagmamalaki nila ang kanilang pinagmulan, makarating man kahit saan, sila pa rin ay mga dalagang Pilipina na gustong magsilbing inspirasyon sa kapwa nila Pilipino.


Sabi ng isang miyembro nitong si Olive, “Ang kanta namin na Race Car ay tungkol sa pagkakaroon ng lakas ng loob. Hindi ba 'pag nagre-race kayo, ang lakas ng loob ang magtutulak sa inyo sa finish line? Kahit ano pa ang mangyari sa 'yo, kailangan mo ng tapang para makarating ka sa hinahabol mong tagumpay."


Tinanong ang mga miyembro kung ano ang finish line na hinahabol nila.


Sabi ni Laiza, "Ang finish line na inaasam namin ay ang makilala tayo, hindi lang kami, kundi tayong lahat na mga Pilipino. Kung ipinakita ng mga kababayan natin na tulad nina Lea Salonga na kaya nating mag-perform sa world stage, kami naman ay sumusunod sa kanilang mga yapak at patuloy na ipagmamalaki namin ang ating mga kakayahan."


Marami pang kasunod na kanta at proyekto ang Calista na alinsunod sa kanilang direksiyon na magpakita ng talento ng mga Pilipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page