top of page

Dami na ngang naghihirap, inaprub pa ang toll fee hike ng NLEX, buwisit!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 1, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 1, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


LAKI NA NGA NG SUWELDO NG MGA TAGA-BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS, MAY MGA GUMAGAWA PA NG ANOMALYA -- Ibinulgar ng Bilyonaryo.com website na maging ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay may mga “ghost employees” din na ibig sabihin ay may mga taong pinasusuweldo ang gobyerno na hindi naman pumapasok sa BSP, at sa isinagawang imbestigasyon ng BSP-Office of the General Counsel ay napatunayan ngang may mga “ghost employees” ang ahensyang ito ng pamahalaan.


Mantakin n’yo, ang lalaki na nga ng suweldo ng mga taga-BSP, tapos may mga nagsasagawa pa ng anomalya, mga buset!


XXX


SURVEY FIRMS, GINAGAMIT PARA IBAGSAK ANG RATING NI VP SARA? -- Sa inilabas na survey ng Tangere firm patungkol sa trust and satisfaction ratings ng mga high ranking official ng pamahalaan ay bukod tanging si Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio lang ang bagsak sa ratings.


Kaduda-duda ang survey na iyan kasi parang may mga taong nakikipagsabwatan sa mga survey firm para ibagsak ang popularidad ni VP Sara na frontrunner sa 2028 presidential election, period!


XXX


ASAR-TALO SI SEN. RISA, KASI GUSTO NIYA MATANGGAL SA PAGKA-MAYOR SI MAYOR ALICE GUO, TAPOS PAPAYAGAN PA PALA NG COMELEC NA KUMANDIDATO ULI -- Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kahit daw suspendihin ng Ombudsman si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo patungkol sa pagkakasangkot nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at sa kuwestiyunableng citizenship nito ay maaari pa rin daw itong kumandidato sa 2025 midterm election.


Sa totoo lang, asar-talo si Sen. Risa Hontiveros sa statement na ito ni Chairman Garcia kasi sa himig ng mga pananalita ng senadora ay gusto niyang matanggal sa pagiging alkalde si Mayor Guo, tapos papayagan pa ng Comelec na kumandidato ito next year, boom!


XXX


DAMI NA NGANG NAGHIHIRAP SA ‘PINAS, TAPOS INAPRUB PA NG TRB ANG DAGDAG-PAHIRAP NA TOLL FEE HIKE NG NLEX -- Inaprub na ng mga alagad ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa Toll Regulatory Board (TRB) ang hirit na dagdag-singil sa toll ng North Luzon Expressway (NLEX).


Ganyan ka-bad ang Marcos admin kasi ang dami na ngang naghihirap sa ‘Pinas, eh nag-aaprub pa ng mga dagdag-pahirap sa mamamayan, buset!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page