Damay sa panggo-ghosting ng BF kay Bea… JULIA, BINABASTOS NA RIN DAHIL KAY GERALD
ni Nitz Miralles - @Bida | March 16, 2021

Nagkakabastusan na ang mga comments sa Instagram account ni Gerald Anderson, pero hindi yata nababasa ng aktor kaya hindi pa dine-delete.
Nag-post kasi si Gerald ng “People aren’t proud of you, they are just surprise you keep making sh*t happen”- keep going... Work hard for the people who believe in you.”
Sabi ng mga netizens, reaction o sagot ito ni Gerald sa interview ni Bea Alonzo kung saan may nabanggit na “dandruff” ang aktres. Hindi na binanggit ni Gerald ang pangalan ni Bea, idinaan na lang nito sa post.
Kasunod ng post ni Gerald, nagkasunud-sunod na ang kabastusang comments ng mga netizens sa IG niya na damay pati si Julia Barretto. Pati typo error ni Gerald, pinuna. May nag-comment tuloy na wala na siyang nabasang matinong comment sa IG ng aktor.
Magtatagal pa siguro ito until the next controversy.





Comments