Damay sa malas ng sikat na female celeb… AKTOR-PULITIKO, PINANGAKUAN NG MATAAS NA PUWESTO,
- BULGAR
- Mar 24, 2021
- 1 min read
'DI TINUPAD DAHIL SA EX-GF NIYANG 'DI KAKAMPI NG NAKAUPO
Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 24, 2021
BLIND ITEM:
Bago natapos ang termino sa panunungkulan ng isang actor-politician, naipangako na sa kanya ang isang mataas na puwesto sa gobyerno. Kaya marami sa kanyang mga supporters ang labis na natutuwa dahil maganda ang puwesto na iniaalok sa actor-politician. Magagamit nito ang kanyang malawak na karanasan sa pamamalakad ng lungsod.
Matagal nang public servant ang actor-politician at marami na siyang nagawang magagandang projects. Pero, lumipas na ang mahigit isang taon matapos ang termino niya ay wala pang patawag at bagong assignment-puwestong ibinibigay sa kanya.
Kaya, labis na nagtataka ang kanyang mga supporters kung ano na ang nangyari sa ipinangakong mataas na posisyon sa gobyerno?! Natengga na nang husto ang actor-politician.
May mga political analysts naman ang nagsasabing nadamay lang daw ang actor-politician sa dalang malas ng ex-GF niyang kontrobersiyal na female celebrity. Naging open daw kasi ang actor-politician sa kanyang closeness sa naturang female celeb na hindi kakampi ng mga taong nangako sa kanya ng mataas na puwesto sa gobyerno.
Nadikit ang actor-politician sa pangalan ng “jinx” na female celebrity kaya hindi na ibinigay sa kanya ang mataas na puwesto.
Pareho na sila ngayon ng kontrobersiyal na female celeb na inaalat ang career. Sinayang ng actor-politician ang magandang oportunidad dahil lang sa paawa effect ng babaeng hinahabol ng kamalasan sa buhay.





Comments