Damay sa galit sa bayaw na si Patrick… DOUG, SINABIHAN NG NETIZENS NA NAKAASA SA KITA NG ANAK NA SI KENDRA

ni Nitz Miralles @Bida | October 4, 2026

Photo: Kendra at Doug Kramer - IG
Pati ang sister ni Patrick Garcia na si Cheska Garcia-Kramer at husband nitong si Doug Kramer, damay na sa isyu ng aktor at ni Jennylyn Mercado.
Hindi na lang ang Instagram (IG) account nina Patrick at wife na si Nikka Garcia ang naka-limited para sa puwedeng mag-comment, pati na rin ang IG account nina Doug at Cheska.
Si Doug nga, may umaway pa. Sa IG story niya, ipinagmalaki nito ang anak na si Kendra. May netizen na napanood ang post ni Doug at nag-comment.
Sabi ng netizen, ini-report niya ang YouTube (YT) channel ni Doug for child exploitation. Inakusahan pa nito si Doug na iniaasa sa anak ang income at ang payo nito, “Man UP!”
Sagot ni Doug, “Nagsalita ka as if you know everything we do. Lakas ng loob mo to talk through social media. Let’s sit down like real men and have a conversation about this. Man up you said, so man up also. Let’s plan to meet, deal?”
Sagot ng netizen, “Sige, sama mo rin ang brother-in-law mo nang mapag-usapan natin how to be a good father.”
Sagot uli ni Doug, “You had something to say about me and my manhood. So just you and me.”
Well, matuloy kaya ang pagkikita ng dalawa?
LUMIPAD pa-Cebu si Paolo Contis para bisitahin ang dalawa niyang anak kay Lian Paz. Chance na rin ng aktor na makausap at maka-bonding ang stepdad ng mga anak at husband ni Lian na si John Cabahug.
Sa photo na ipinost ng aktor, makikita sila ni John na nag-grocery at may caption ang post na: “Next level co-Parenting.”
Hindi ito ang first time na bumisita sa Cebu ang aktor para dalawin ang mga anak at ang mga taong nag-aalaga sa mga ito. Maganda ang relasyon ni Paolo sa mga anak niya ngayon, nabibisita niya, at basta may free time siya, pinupuntahan niya sa Cebu.
Mapupuri rin sina Lian at John dahil naging open at welcoming kay Paolo para magkaroon uli ng relationship sa dalawang anak.





Comments