top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Dalawang instant milyonaryo ng Lotto 6/42, kumubra na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2021
  • 2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 26, 2021



Hello, Bulgarians! Kamakailan ay nakubra na ng dalawang bagong milyunaryo ang jackpot prize sa magkasunod na Lotto 6/42 draw na binola noong ika-28 at 30 ng Oktubre 2021.


Sa bola na ginanap noong ika-28 ng Oktubre, biglang-yaman ng mahigit na P5.9 milyon ang isang mananaya matapos niyang makuha ang tamang kombinasyon na 37-09-25-14-28-04, ang masuwerteng ticket ay kanyang nabili sa isang lotto outlet sa Valenzuela City, Metro Manila. Isa siyang Sales Agent, 27-anyos at nag-iisa sa buhay. Ayon sa kanya, mahigit siyam na taon na siyang tumataya ng lotto at ang mga numerong nabanggit ay kanyang alagang numero noon pa man. “Ako ay buong-pusong nagpapasalamat sa Diyos sa biyayang dumating sa akin at lalung-lalo na sa PCSO, dati hindi ako naniniwala, akala ko hindi totoo ang PCSO, subalit lumabas ang mga numero ko”. “Nais kong gamitin ang pera para sa negosyo, bibili ako ng bahay at lupa para sa pamilya ko.”


Ang isa pang instant milyunaryo ay mula sa Ormoc City, Leyte na nanalo ng jackpot prize na P5,940,000 matapos niyang tamaan ang mga tamang numero na 26-05-42-32-15-19 noong ika-30 ng Oktubre, 2021. Siya ay 55-taong gulang, walang asawa at high-school graduate. Sa kasalukuyan, mayroon siyang maliit na sari-sari store na kanilang ikinabubuhay.


Ayon sa kanya, ang kanilang buong pamilya ay mananaya ng lotto, kaya noong namatay ang kanyang ama, hiniling niya rito na sana ay gabayan siya sa mga numerong kanyang tinatayaan.


“Natutuwa ako at nalulungkot kasi may tax pero salamat pa rin sa Diyos. Plano kong magtayo ng lotto outlet, magdagdag ng puhunan sa tindahan at magbigay sa aking mga kapatid.”


Nagpapasalamat si PCSO General Manager Royina M. Garma sa lahat ng mga Pilipinong sumusuporta at tumatangkilik sa mga “Larong May Puso” katulad ng STL, Lotto and Digit games, Keno and Instant Sweepstakes Scratch-it tickets. Halika na! Tumaya at manalo, baka kayo na ang susunod na milyunaryo.


Para sa karagdagang impormasyon at ibang detalye ng mga laro, produkto at serbisyo ng PCSO mangyaring bisitahin ang PCSO official website www.pcso.gov.ph, PCSO FB page https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at ang PCSO GOV para sa YouTube.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page