top of page
Search
  • BULGAR

Dalagang ina, buntis ngayon… PHOEMELA, IPINALIT KAY RHIAN NG EX-BF NA CAR RACER

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 23, 2020




Marami ang nagtatanong kung hindi ba marrying type ang Kapuso actress na si Rhian Ramos at walang balak na magpakasal at magkaanak?


May mga nakarelasyon naman siyang actor at non-showbiz guys. May naging BF din siyang foreigner. Pero, hindi nga nauuwi sa mas malalim na relasyon ang lahat at mas lalong hindi humantong sa kasal.


Mukhang ini-enjoy lang ni Rhian ang kanyang pagiging single. Career muna ang kanyang priority at wala sa agenda niya ang pagpapakasal at pagkakaroon ng sariling pamilya.


It seems hindi pa natatagpuan ni Rhian ang kanyang Mr. Right. Ang akala ng mga fans ni Rhian ay ang car racer na si Jason Choachuy na nakarelasyon niya nang mahigit 3 years na ang nakatakda para sa kanya, pero naghiwalay din sila last 2018.


Base sa kanilang statement, walang third party sa breakup. Basta maayos silang naghiwalay.


Ang sumunod na naging karelasyon ng ex-BF ni Rhian ay ang 40-year-old actress-model-host at car racer na si Phoemela Baranda na may grown-up kid na sa unang nakarelasyon.


Parehong mahilig sa car racing sina Phoemela at Jason Choachuy kaya swak na swak sila. Buntis ngayon si Phoemela sa anak nila ni Jason at nakatakdang manganak sa March, 2021!


Well, hindi kaya nanghihinayang si Rhian na pinakawalan pa niya si Jason? Hindi ba niya pinangarap na sana ay nagkaroon din sila ng anak?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page