top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

DAHILAN NI KRIS SA PAKIKIPAG-BREAK KAY VG MARC, SUPER-BABAW

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 22, 2023



Nakakawindang ang kaganapan ngayon sa love life ni Kris Aquino. Maging ang mga accla (gays) ay nalolokah sa pabagu-bagong desisyon ni Kristeta tungkol sa relasyon nila ni Batangas Vice-Gov. Marc Leviste.


Kung hindi lang siguro sandamakmak ang iniindang sakit ngayon ni Kris, malamang ay na-bash na siya nang husto dahil sa kanyang mga drama sa buhay.


Ang suwerte-suwerte na nga ni Kris dahil nakatagpo siya ng isang lalaking tulad ni VG Marc na sobrang tiyaga, maasikaso at pursigido sa pag-aalaga sa kanya.


Ginawa lahat ni VG Marc ang mga puwedeng makapagpasaya kay Kristeta. Pinapunta pa niya sa USA si Kim Chiu para dalawin ang kanyang Ate Kris at maging ang BFF ni Krissy na si Boy Abunda ay bumisita rin upang kumustahin ang kanyang kalagayan.


Minahal at pinakisamahan din ni VG Marc ang mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby, kaya para sa ilang netizens, ang babaw naman ng katwiran ni Kris na ayaw niya ng stress dahil nahihirapan siya sa LDR (long-distance relationship) nila ni Marc Leviste.


Ang priority daw niya ngayon ay ang kanyang paggaling sa mga sakit na ilang taon na niyang nilalabanan.


Well, waiting naman ang lahat kung hanggang saan ang itatagal at kakayanin ni VG Marc sa muling pakikipag-break sa kanya ni Kris Aquino. Susuko na ba siya at maggi-give-up na o patuloy pa rin niyang ipaglalaban ang kanyang pag-ibig kay Kristeta?

Kakayanin ba niyang magpakamartir sa ngalan ng pag-ibig?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page