top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

DAHILAN NG PANANAHIMIK NI ANGEL, IBINULGAR!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 11, 2023



Marami ang nagtatanong kung nasaan na nga ba si Angel Locsin since matagal na nating hindi nakikita ang aktres sa kahit ano'ng proyekto or showbiz gatherings man or even in social media.


Dati nga naman kasi, kahit walang proyekto si Angel ay napakaaktibo naman sa social media at nagbibigay ng update sa kanyang mga fans.


Pero medyo matagal-tagal na nga siyang nananahimik at kahit sa post ng mister niyang si Neil Arce ay hindi rin siya nakikita. Kaya may mga nagtatanong din kung hiwalay na ba sila?


Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang latest vlog, nasa bahay lang si Angel at ine-enjoy ang tahimik na buhay.


“Si Angel Locsin po ay nasa bahay. At ine-enjoy ni Angel Locsin ang kanyang absence sa social media,” sey ni Ogie.


“Ayaw niya munang mag-social media,” dagdag pa niya.


Hindi rin daw totoong hiwalay na si Angel at ang mister na si Neil.


“Sila pa rin ni Neil Arce. Hindi ngayon at hindi na nagpo-post si Neil, eh, hindi na sila. Sila pa rin po,” paglilinaw ni Ogie.


Sa ngayon ay ine-enjoy daw ni Angel ang pagiging maybahay kay Neil.


“Siyempre, gumagalaw pa rin ng cellphone si Angel. Naaaliw siya sa mga games,” pagbabahagi pa ng talent manager/vlogger.


“Eh, ibigay natin kay Angel Locsin ‘yun. ‘Yun ang gusto niya, eh,” sambit pa ni Ogie.


Hindi rin daw totoong buntis ang aktres ngayon at hindi naman daw dahil sa ayaw ng mag-asawa.

“Kung mabubuntis, eh, di go. Kung hindi, hindi pa panahon,” ani Ogie.


Tungkol sa tanong kung nagpapakondisyon ba ng kanyang katawan si Angel, ani Ogie, “Sabi ng aking source ay ganu’n pa rin naman. Basta happy si Angel Locsin na siya ay maybahay o taong-bahay. Ine-enjoy niya ‘yun.”


Nu’ng kabataan naman daw kasi ni Angel ay bugbog na bugbog ito sa trabaho kaya hayaan na raw muna natin kung gusto nitong magpahinga ngayon at deserved naman daw ito ng aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page