Dahil sa pinagdaraanan… SHARON, AMINADONG HUMIHINA NA ANG PANANAMPALATAYA KAY LORD
ni Nitz Miralles - @Bida | April 19, 2021

Marami ang nag-message para sa encouragement kay Sharon Cuneta after mabasa ang post nito sa Instagram na: “Rarely has my faith in our Almighty God ever wavered... But now, sadly, as I am only human after all, it is wavering... I am devastated. And forgive me if I cannot tell you why. Please pray for me. Thank you so much.”
Kabilang sa mga nag-message ng words of encouragement kay Sharon ay si Judy Ann Santos na nagsabing, “We’re all here for you, ate...” at nag-“I love you” naman sina Ogie Alcasid at Sherilyn Tan.
Walang comment si Sen. Kiko Pangilinan, emojis lang ng red heart at hands clasped in prayers ang ipinost. Lalo tuloy naintriga ang mga followers ni Sharon kung ano ang pinagdaraanan nito.
Nakakagaan ng feeling ang ibang comments na kung mababasa ni Sharon, gagaan ang kanyang dinaramdam.
Napapansin ng kanyang mga followers na ilang days nang quotation card ang ipino-post ni Sharon at nagbe-break lang ‘pag nagpo-post ng super favorite niyang si Keanu Reeves.





Comments