top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa pandemic… BEACH WEDDING NINA LUIS AT JESSY SA PALAWAN, PAMILYA LANG DIN ANG IMBITADO

  • BULGAR
  • Apr 6, 2021
  • 3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | April 6, 2021




Bumaha ng pagbati sa social media account ng newlyweds na sina Luis Manzano and Jessy Mendiola pagkatapos isapubliko ang naganap na intimate civil wedding nila last February 21. Isa kasi sa much-awaited celebrity weddings ang kina Luis at Jessy.


Right after i-upload ni Jessy ang video ng kasal nila ni Luis sa kanyang YouTube channel, sunud-sunod nang ipinost ni Jessy sa kanyang Instagram account ang mga pictures nila ni Luis sa wedding.


Caption ni Jessy sa first official photo nila ni Luis as Mr. & Mrs. Manzano sa kanyang IG account, "Officially Mrs. Manzano (with heart emoji)."


Simple but cute na "Hi" lang ang inilagay na comment ni Luis sa IG story ni Jessy.


Ilan sa mga celebrity friends na bumati sa kanila ay sina KC Concepcion, Jodi Sta. Maria, Andi Eigenmann, Pokwang, Sue Ramirez, Vhong Navarro, ang momshie ng Magandang Buhay na si Karla Estrada, Vina Morales at Alex Gonzaga.


"GORGEOUS! Congratulations to the both of you!!!@luckymanzano," comment ni KC.


Napansin din namin na isa sa mga celebs na bumati kina Luis at Jessy ay si Arci Muñoz, ang rumored girlfriend ngayon ni JM de Guzman na ex-boyfriend ni Jessy.


Mahaba-habang mensahe naman ang inilagay ni Jessy na caption sa IG post niya ng isa sa wedding photos nila ni Luis sa The Farm.


"We weren’t expecting anything grand or out of this world, and yet the set-up was more than what we expected. It was breathtaking. We requested Gideon (Hermosa, ang nag-style ng venue) to keep it simple and clean, and he delivered. The mix of pink and red roses was enough to add color to the greenery of The Farm at San Benito. We are ever so grateful to Gideon for coming up with a beautiful design on such short notice. He kept everything perfect down to the last detail. He even gave me tissue to hide under my bouquet, to wipe my tears just in case I cry. We love you @gideonhermosa," caption ni Jessy.


In less than a day, umabot na sa 2.2M views ang Our Intimate Wedding vlog ni Jessy sa kanyang YT channel.


For sure, super-mega happy ang Star for All Seasons na si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa pagpapakasal ng kanyang panganay na si Luis. Malapit-lapit na lang ang hihintayin niya para matupad ang inaasam-asam na apo.


Actually, tinanong namin sina Luis and Jessy kung may gender preference ba sila para sa una nilang baby at kung mauuna kaya na magka-baby sila bago ang kanilang beach wedding sa December.


"Kahit anong gender basta healthy," sagot nina Luis at Jessy.


Walang kinalaman si Congw. Vilma at ama ni Luis na si Edu Manzano sa biglaang plano nilang magpakasal muna sa Huwes bago ang tinatawag nilang "full wedding."


"Sinabihan namin sila at natuwa naman sila sa desisyon namin," sabi ni Luis.


Hopefully, matuloy sa December ang kanilang beach wedding at tapos na ang COVID-19 pandemic by that time. But if ever ganito pa rin ang sitwasyon natin, itutuloy pa rin ba ang kanilang plano na beach wedding sa Palawan?


"Tingnan natin, nothing is certain talaga, eh. Kaya we are also keeping the beach wedding intimate rin. Ang importante, nandu'n ang buong family namin."


Kapag natuloy ang beach wedding sa Palawan, walang duda na ang "Luis Manzano-Jessy Mendiola's journey to forever" na ang isa sa may pinakamalaking budget (kundi man pinaka-bonggacious) among local celebrity weddings.


Engagement ring pa lang ni Jessy ay almost P5 M na. Tiyak na aabot din sa million of pesos ang cost ng kanilang wedding sa The Farm at sa Palawan.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page