Dahil sa palpak na serbisyo — MWSS-ROP... 42.5M multa sa Maynilad
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Madel Moratillo @News | March 13, 2025

Photo File: Maynilad
Pinatawan ng P42.5 milyong multa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office ang Maynilad Water Services Inc.
Ayon kay MWSS-RO chief regulator Patrick Ty, ito ay dahil sa kabiguan umano ng kumpanya na magbigay ng tuloy-tuloy na supply ng tubig sa libu-libong customers sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
Batay umano sa mga nakalap na ebidensya ng MWSS RO, bigong magbigay ng tuluy-tuloy na supply ng tubig ang Maynilad sa loob ng Putatan Water Treatment Plant at Poblacion Water Treatment Plant supply zones sa loob ng 24 oras. Sa isang pahayag, sinabi naman ng Maynilad na susunod sila sa utos ng MWSS RO.
Paliwanag nila, ang water interruptions ay dahil sa pagbabago ng kondisyon ng raw water sa Laguna Lake kaya kinailangan din nilang magkaroon ng operational adjustments sa kanilang treatment facilities.
Kabilang dito ang pagbawas sa production level para masiguro pa rin ang kalidad ng tubig na pasok sa Philippine National Standards for Drinking Water.
Tiniyak ng Maynilad ang patuloy na improvement ng kanilang mga imprastraktura para maayos ang supply ng tubig.
“We continue to implement operational improvements and infrastructure upgrades to strengthen the reliability of water supply in the southern portion of our concession area, particularly during periods when weather conditions affect raw water intake from Laguna Lake,” Maynilad.




Comments