Video ng 'maleta delivery' sa bahay ni Romualdez, inilabas

by Jeff Tumbado @News | October 13, 2026

Photo: Ang saksi na si George Villalon Jr. habang nasa witness stand sa pagdinig ng Sandiganbayan Third Division para sa petition for bail ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kaso nitong plunder. (Jeff Tumbado)
Ipinakita nitong Lunes sa pagdinig ng Third Division ng Sandiganbayan ang isang maikling video clip na nagpapakita ng mga maleta sa loob ng umano’y bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Forbes Park, kaugnay ng kanyang petisyon para sa piyansa sa kasong plunder o pandarambong.
Pinayagan ng korte ang pagpapalabas ng 13 segundong video habang tumitestigo si George Villalon Jr., isa sa mga tinatawag na “Maleta Boys.”
Ayon kay Villalon, na iniharap bilang saksi ng mga special prosecutor, kinunan niya ang video gamit ang cellphone noong Nobyembre 21, 2023, alas-2 ng hapon.
Nang tanungin ni Deputy Special Prosecutor Omar Sagadal kung saan niya kinunan ang video, sumagot si Villalon na ito ay sa loob ng isang bahay.
Nang usisain kung kanino ang bahay, sinabi ni Villalon: “Sa loob ng bahay ni dating Speaker Martin Romualdez.”
Nilinaw ng saksi na ang tinutukoy niyang bahay ay ang tirahan ni Romualdez sa Forbes Park.
Ikinuwento rin ni Villalon na ipinadala niya ang video sa kanyang asawa sa pamamagitan ng Facebook Messenger upang mabigyan ito ng update.
Sinabi rin ng saksi na nakapagdala siya ng humigit-kumulang 20 maleta sa tirahan ni Romualdez.





Comments