top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Kontra-Super El Niño — PBBM... Bumili na kayo ng balde, magkolekta ng ulan

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 13, 2026



Bongbong Marcos - FB

Photo: Rodrigo Duterte - ICC



Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na maghanda sa posibleng pagtama ng Super El Niño sa pamamagitan ng pagbili ng mga balde na maaaring pag-ipunan ng tubig-ulan. 


Plano rin ng pamahalaan na mamahagi ng mga water filter at magturo ng tamang paraan ng paglilinis at pag-iimbak ng tubig upang matiyak na ligtas itong gamitin.


Ayon kay Marcos, tuturuan ng pamahalaan ang publiko kung paano salain ang nakolektang tubig-ulan upang maiwasan ang mga sakit na nakukuha sa maruming tubig. 


“Bumili na kayo ng balde para kapag umulan makokolekta na ninyo lahat. Tuturuan namin kayo” wika ni Marcos sa Kapihan with the Media sa Singapore.


“We’ll give you filter. We’ll teach you how to do everything para hindi kayo magkasakit at maayos ang pag-treat ng tubig, pag-filter ng tubig. And it will be healthy for the children,” ayon pa sa Pangulo.


Nabatid na bahagi ang pag-iipon ng tubig-ulan sa paghahanda ng publiko sa posibleng tagtuyot at kakulangan sa suplay ng tubig dulot ng El Niño. 


Inihahanda rin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng cloud seeding upang makatulong na madagdagan ang pag-ulan. 


Ang El Niño ay isang potential weather phenomenon na may kaugnayan sa pag-init ng temperatura ng tubig sa central at eastern equatorial Pacific Ocean na maaaring magdulot ng mas kaunting pag-ulan, matagal na tagtuyot at kakulangan sa tubig sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page