Anchorman, binaril sa mukha

ni Mai Ancheta @News | October 13, 2026

Photo: Circulated / RPA
Kritikal ang kalagayan ng isang anchorman ng isang local TV matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Brgy. San Roque, Daraga, Albay kahapon.
Kinilala ng Daraga Municipal Police Office ang biktima na si Adrian Loterte o "Golden Boy" ng RBN News Television.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa mukha, dibdib at iba pang bahagi ng katawan.
Naganap ang pamamaril malapit sa tirahan ng biktima at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng pamamaril.





Comments