top of page
Robin Padilla - Senate PH 2.jpg

Dahil sa pahamak na mic… RALPH DE LEON, MAS NAG-TRENDING DAHIL SA HOSTING KESA SA MUPH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 5, 2026



Ralph de Leon - Instagram

Photo: Ralph de Leon - Instagram



“Hahaha! Grabe! ‘Di naman siguro pero ‘di ko in-expect. We needed another moment for MUPH. Last year, si Alden Richards dahil sa bagyo, super-lakas ng boses. This year thankfully it’s me. Hahaha!” masayang pahayag ni Ralph de Leon sa komentong mas nag-trending pa siya kaysa sa nanalong 2026 Miss Universe Philippines (MUPH) na si Bea Millan-Windorski mula sa probinsiya ng La Union.


Tawang-tawa ang 2nd Big Placer ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) na si Ralph de Leon nang sabihing mas nag-trending pa siya kesa sa katatapos na 2026 Miss Universe Philippines nitong Sabado, May 2, na ginanap sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.


Inabot ng mahigit dalawang minutong nakatayo si Ralph sa entablado dahil nagkaroon ng problema ang mic na gamit niya, na ayon sa kanya ay apat na beses nagpalit.


Sey niya,“‘Di ko alam kasi biglang nag-switch ng mic. Nu’ng rehearsal kasi, naka-stand mic ako, tapos nag-switch sila, ‘yun, ‘di gumana kaya sabi ko, ‘Oh my, ano’ng gagawin ko.’”

Hindi naman sumagi sa isipan ni Ralph na umalis.


“The show must go on. Nabigyan ako ng script, nabigyan ako ng spiel kaya kailangan kong tapusin ‘yun,” katwiran ng aktor.


Sabi pa, “Nu’ng pangalawa na ‘di pa nag-work, medyo nagpa-panic na ako. Sabi ko, ‘Grabe, pangalawa na ‘to, ano’ng mangyayari rito? ‘Di ko alam kung maririnig ba ako sa TV, sa live. Tapos, nu’ng 3rd at 4th, ‘di pa rin gumana ang mic. Wala, tawa na lang ako nang tawa sa stage.”


Kaya tawang-tawa si Ralph de Leon dahil trending siya tulad ni Alden Richards noong nakaraang taon, kaya dapat, mayroon din ngayon at nasuwertehan nga siya.





BLIND ITEM:


TRULILI kaya na bakasyon muna ang drama ng kilala at mahusay na male singer kahit kaliwa’t kanan ang offer sa kanya sa serye at show sa loob at labas ng bansa?


Maraming offers ang tinanggihan ng mahusay na male singer dahil mas gusto raw muna niyang magpahinga, ayaw niya ng sunud-sunod na trabaho.


Super successful ang concert ng mahusay na male singer kaya’t kinailangan ng ikalawang gabi ang concert niya na pinayagan naman niya, pero sa ikatlong gabi ay umayaw na siya dahil pagod na raw siya.


Pati ang naka-schedule niyang concert sa ibang bansa at inaabangan na siya roon ay hindi na rin niya sinipot, kaya lukang-luka ang promoter sa nasabing bansa dahil biglang bumitaw sa usapan nila ang singer.


Alanganin ang promoter kung sasampahan niya ng kaso ang magaling na male singer dahil hindi siya tumanggap ng down payment at higit sa lahat, verbal lang ang usapan nila ng nag-ahente sa kanya.


Katwiran kasi ng magaling na male singer ay may usapan na sila at iisa rin ang producer ng show niya rito sa bansa kaya okay na ‘yun, pero iba ang nangyari.

Ngayon namin naintindihan kung bakit umiiling ang mga producers at direktor kapag isina-suggest ang male singer sa show.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page