top of page

Dahil sa nangyari sa parents… MARK, NA-DEPRESSED, NO SHOW SA PICTORIAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 20, 2026



TALKIES - MARK, NA-DEPRESS, NO SHOW SA PICTORIAL-FB Mark Herras

Photo: FB Mark Herras



“Kuntento po ako. I’m happy kung ano ‘yung narating ko,” ang pahayag ng aktor na si Mark Herras sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang tanungin kung may panghihinayang ba siya sa nangyayari sa career niya ngayon.


Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “You were one of the most exciting young actors nu’ng mga panahon na pagkatapos mo manalo ng StarStruck. Marami ang nagsasabi that you could have been a bigger star today. May panghihinayang?”


Saad ni Mark, “Honestly, Tito Boy, wala po. I mean, wala kasi I’m very happy du’n sa narating ko sa StarStruck. It’s because of StarStruck kaya nakarating ako sa mga lugar na gusto kong puntahan, sa mga lugar na ‘di ko alam na mapupuntahan ko pala.


“Sa mga nabili ko, bahay, sa mga hiyawan na narinig ko, it’s because of StarStruck and I’m so thankful for that.


“Kuntento po ako, Tito Boy. I’m happy kung ano ‘yung narating ko. ‘Di ko naman gusto na… I mean, s’yempre lahat naman tayo, gusto natin ‘yung fame, sikat, pero once na nagkaroon ka na ng responsibility, iba ‘yun.”


Dagdag na tanong ni Boy, “May mga natutunan ka?”

Saad ni Mark, “Pahalagahan natin ang trabaho natin.”


Hirit na tanong ni Boy, “May mga pagkakataon ba in the past na ‘di mo pinahalagahan ang trabaho mo?”


Saad ni Mark, “Yes. Lalo na ‘yung mga times na I was depressed because of what happened to my parents.


“Parang wala akong pakialam. ‘Di ako pupunta ng taping. I think kung tama ako, meron akong isang pictorial na ‘di ko pinuntahan for a show because I was very depressed that time.”


Well, at least, may natutunan si Mark Herras sa mga naging pagkakamali niya noon at sure si yours truly na dahil may anak na ang aktor ay pagbubutihin niya pa ang trabaho niya ngayon.





ABS-CBN, todo-hirap na raw pero tuloy ang serbisyo… VICE SA GOBYERNO: ANO NA ANG PLANO N’YO SA MGA DRIVER?!



BONGGANG-BONGGA ang pagbabalik ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa pagho-host ng It’s Showtime (IS) matapos ang ilang linggong bakasyon-grande.

In fairness, mukhang nag-enjoy si Vice sa bakasyon dahil super-fresh ang beauty niya ngayon.


Sa segment na Laro-Laro Pick, ang masisipag na jeepney drivers ang naglaro. Isa sa mga contestants na nagngangalang ‘Hapon’ ang nakapukaw ng atensiyon ng madlang people nang magbahagi ito ng hirap na naranasan niya.


Kuwento ni Hapon, “‘Di na ako bumibiyahe kasi mataas ‘yung diesel. ‘Di na muna kaya nasa Cubao ako natutulog at nagbabayad ako ng P30 para makaligo.


“Mula Bicol ay lumuwas ako ng Maynila para maghanap ng trabaho, pambuhay sa pamilya sa probinsiya. Nahinto sa pag-aaral ang anak ko dahil ‘di na ako nakapagpapadala ng pera dahil nahinto na rin akong mamasada dahil medyo kapos na.”


Hindi maitago ng Unkabogable Star na si Vice ang lungkot niya nang marinig ang kuwento ni Hapon.


Saad ni Vice, “Sana lang, nanonood ang pamahalaan.


“Marami po ang mga Pilipinong ganito ngayon, nawalan ng trabaho dahil sa taas ng presyo ng gasolina, lalung-lalo na ang mga drivers. Sila ang unang tinamaan ng krisis na ito, mga ‘di na makapasada.



“Makapasada man, wala namang kinikita. Ang tanong, ano ang plano ninyo sa kanila?

“As a private citizen, you can always wish to help, pero ‘di naman natin makakayanan lahat. Bata pa lang naman tayo, tumataas na ang gasolina. Alam naman natin na mangyayari at mangyayari ‘yan.


“Kaya dapat ‘yung pamahalaan, bago pa mangyari ‘yan, nag-iisip na kayo ng mga gagawin ninyo ‘pag nangyari ‘yan.


“‘Di ‘yung ‘pag nangyari na, taranta kayo, nakanganga, at walang magawa sa mga naghihirap na mamamayan.”


Dahil sa hirap na pinagdaanan ni Hapon ay nagpasya si Vice na tulungan siyang makauwi sa Bicol, magbigay ng panimulang puhunan, at matulungan sa pag-aaral ang anak nito.


Saad ni Vice, “Sa kasalukuyan, ang sitwasyon ng ABS-CBN ay hirap na hirap na rin pero ‘di hihinto ang kumpanyang ito sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayang Pilipino. Magdadamayan tayo.”


Iba talaga ang isang Vice Ganda pagdating sa pagtulong. ‘Di ba naman, madlang pipol?


‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page