top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg

Dahil sa kakulangan ng lethal injection drugs... Firing squad at electrocution, posibleng dagdag sa death penalty sa Amerika

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | April 26, 2026



Lethal injection chamber in Walla, Walla Washington - Reuters


Isinusulong ng administrasyon ni Donald Trump ang pagdaragdag ng firing squad, electrocution, at gas asphyxiation bilang mga alternatibong paraan ng execution sa federal level, ayon sa ulat ng United States Department of Justice.


Ayon sa report, layunin nitong tugunan ang kakulangan sa lethal injection drugs at matiyak na maipapatupad ang parusang kamatayan kahit may limitasyon sa supply.

Bahagi ito ng hakbang upang muling palakasin ang federal executions matapos alisin ang moratorium na ipinatupad ng nakaraang administrasyon.


Sa kasalukuyan, mahigit 40 kaso ang isinusulong para sa death penalty, bagaman wala pang umaabot sa aktwal na execution. Tatlo na lamang ang natitirang nasa federal death row matapos i-commute ng dating administrasyon ang karamihan ng mga sentensya.


Umani naman ito ng batikos mula sa mga human rights group at ilang mambabatas, na nagsabing ang mga naturang paraan ay malupit at hindi makatao.


Sa kabila nito, iginiit ng Justice Department na kinakailangan ang mga alternatibong ito upang matiyak ang pagpapatupad ng batas.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page