top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dahil sa iskandalo nila ni Kylie… ALJUR, UMAMING MAY PROBLEMA SILA NI AJ

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 24, 2021
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 24, 2021



Humarap si Aljur Abrenica sa entertainment press para sa press conference ng latest movie ni Direk Neil Tan titled Manipula sa Tipsy Pig, Morato kahapon.


Sa umpisa pa lang ng presscon ay nagpakawala na agad si Aljur ng statement ukol sa kontrobersiyang kinakaharap niya sa nakahiwalay na misis na si Kylie Padilla at current flame na si AJ Raval.


After magbigay ng statement ni Aljur, tumuloy na ang Q&A para sa Manipula at iba pang bida ng pelikula sa pangunguna ng bidang babae at producer din nito na si Ana Jalandoni.


Tama ang ginawa ni Aljur na umapir siya sa presscon ng Manipula. Usually, 'pag ganyang sangkot sa controversy ang isang artista, iwas na siya sa media people, much more sa isang press conference.


Bumilib kami kay Aljur who had the courage na harapin ang media. And after that, nakita namin si Aljur na parang gumaan ang pakiramdam.


Maayos din ang naging paliwanag ni Aljur when asked about sa relasyon nila ni AJ.


Inamin niya na may pinagdaraanan sila ni AJ ngayon. Mukhang sobrang nate-test ang kanilang relasyon dahil sa iskandalo.


Pero 'di hinahayaan ni Aljur na maapektuhan ang kanyang trabaho gaya sa Manipula.


“Parang natutunan kong ihiwalay ang trabaho sa personal. Sa tagal ko sa industriya, (‘yun) ang natutunan ko sa industriya,” pahayag ni Aljur.


Dagdag pa niya, “Okey ako…masaya. Okey ako kapag nagtatrabaho. Hindi naman nakakaapekto."


Inspired daw siyang magtrabaho not because of one person kundi dahil gusto niya ang ginagawa niya.


Higit sa lahat, inspired siya dahil sa kanyang mga anak.


‘Yun na!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page