top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dahil sa gobyerno ni P-Du30… SIGAW NI SHARON: MARAMING PINOY NGAYON, BASTOS!

BULGAR
Oct 15, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 15, 2021



Naglabas ng mahabang hinaing at pagkadismaya si Sharon Cuneta sa nangyayari sa bansa habang papalapit na nang papalapit ang eleksiyon.


Rant ni Sharon sa kanyang Instagram page, bastusan na raw ngayon at wala nang respetuhan.


“I posted this on my Facebook page just now: I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once I posted about VP Leni and Kiko.


“Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.

“Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagka-walang disente ng marami sa ating mga Pilipino.


“Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kani-kanyang paniniwala at kandidato 'pag kampanya at eleksiyon na. Magkakitaan na lang sa kung sinu-sino ang mahalal.


"Ngayon, ganito na - bastusan. 'Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagka-disente at pagiging kagalang-galang,” bahagi ng pahayag ni Shawie.


Buong-tapang ding binanatan ni Megastar ang ating mga government officials.


“Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon - 'yung hindi tinatawag ang Diyos na “STUPID.”


“Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ay ang sarili niya. Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsiyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo.


“Hindi 'yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na, wala pang ayuda, ang bakuna, kulang na nga, pinababayaran pa - pero ang mga 'di makasagot kung saan na napunta ang bilyun-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, 'yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.


“Magising na po tayo. 'Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Nawa'y tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!” ang litanya ni Mega.


As we all know, ang mister ni Mega na si Sen. Kiko Pangilinan ay tumatakbong vice-president ng bansa ka-tandem ni VP Leni Robredo for president naman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page