top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Dahil sa COVID-19… ANGELIKA, PINAALIS SA BAHAY ANG MGA ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 07, 2022



Bilang kapitana ng Barangay Longos, Malabon, sobrang naaalarma rin si Angelika dela Cruz sa pagtaas na naman ng COVID-19 cases ngayon.


Siyempre, hindi lang ang kanyang pamilya ang iniintindi at pinag-iingatan niya sa virus kundi maging ang buong barangay din niya.


“Ngayon, mahirap uli, eh. 'Pag tumataas kasi ang bilang ng COVID, siyempre, marami na naman akong trabaho. Actually, isang oras pa lang akong natutulog,” sabi ni Angelika sa digital mediacon ng Little Princess, ang bago niyang teleserye sa GMA-7.


“Umuwi ako kanina, umaga na. Kasi from 0, biglang 90 plus ‘yung positive cases namin. Tapos, pending pa sa result ‘yung iba.


“Eh, isa sa mga ginagawa namin du’n, kami ‘yung sumusundo at nagdadala sa isolation center. Tapos, ako rin ang nagbibigay ng pagkain para sa families nu'ng mga nag-positive. Kaya hanggang late (in the evening), nagre-repack ako,” kuwento ni Angelika.


Aminado siyang hirap at sobrang frustrated na rin sa pandemic na magta-tatlong taon na rin ngayong March.


“Ang hirap talaga. Nakaka-frustrate ‘yung pandemic na ‘to. Kasi mare-relax ka lang sandali, babalik uli, magre-relax ka lang, babalik uli. Oo, eh. Para ka lang pinaglalaruan, 'di ba?

“Saka nakakaawa ‘yung malalalang cases. Nakakaawa ‘yung family nila. Lalo na ‘yung mga walang-wala, kasi talagang ang hirap. Nakakaawa,” she said.


Bukod pa nga riyan, siyempre ay natatakot din siya for her family kaya nga pinaalis niya muna ang mga anak niya sa Malabon.


“'Yung mga anak ko, hindi ko kasama. Sa Batangas sila nakatira, ako lang ‘yung nandito sa Malabon kasi siyempre, ayoko silang i-risk. Kung magkasakit man ako, at least, hindi sila mahawa. Mahirap. Sacrifice talaga,” aniya.


Mabuti na nga lang daw at tapos na ang locked-in taping nila ng Little Princess bago nagkaroon ng surge ng cases.


Samantala, pagbibidahan ni Jo Berry ang Little Princess na magsisimula ngayong Jan. 10 (Monday) sa GMA’s Afternoon Prime. Gagampanan ni Angelika ang nanay ng karakter ni Jo.


Kasama rin sa cast sina Juancho Triviño, Rodjun Cruz, Jestoni Alarcon, Jenine Desiderio, Therese Malvar at marami pang iba, mula sa direksiyon ni LA Madridejos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page