top of page
Search
  • BULGAR

Dahil sa away kay Janno…

KITKAT, MAGRE-RESIGN NA SANA SA SHOW SA NET 25, 'DI PINAYAGAN, TSUTSUGIHIN PALA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 27, 2021





"Masama ba ang magpatawad?”


Ito ang tanong ni Kitkat Favia sa ilang taga-media na nakausap niya sa kanyang restaurant sa Quezon City nitong Huwebes nang gabi para i-explain ang post niyang "NAGPATAWAD po ako" na ipinost niya sa kanyang FB page pagkatapos nilang magharap ng kapwa niya Happy Time host na si Janno Gibbs sa NET 25 management.


Pinag-ayos sina Kitkat at Janno ng management at okay na, pinagre-report na sana sila sa Happy Time nu’ng Miyerkules para sa live episode.


Pero umaga ng Miyerkules, habang nag-aayos na ang TV host-comedienne para pumunta sa Eagle Broadcasting Studio ng NET 25, nakatanggap siya ng mensahe na tinanggal na sila ni Janno.


Naguluhan si Kitkat dahil maayos ang usapan bago sila nagkahiwalay at nag-post lang naman siya ng naramdaman niyang okay na at nagpatawad na nga.


Kaso, hindi pala ito nagustuhan ni Janno kaya sinagot niya ang post ni Kitkat na hindi naman binanggit ang pangalan na pinrovoke raw siya, dahilan kaya nagalit siya nang husto at nagsalita ng kung anu-ano sa kapwa host ng HT.


Hindi rin ito nagustuhan ng management dahil hindi pa rin pala okay ang dalawa matapos pag-usapin, kaya ang final decision ay tsinugi sina Janno at Kitkat.


Kinulit lang namin si Kitkat na magbigay ng statement kasi nga naglabas si Janno ng screenshots ng mga ipinost daw ng komedyana na may mga sinabing hindi maganda laban sa aktor.


Narito ang pahayag ni Kitkat na nangangakong hindi na siya muling magsasalita para tapos na ang isyu at move on na…


“Ginawa ko po ang dapat gawin. Sinabi ko lang ang totoong nangyari at bugso ng damdamin ko dahil nabastos ako.


“Pinili kong huwag nang ilabas ang ibang nangyari off-cam.


“Opo, inaamin ko 'yung pinakauna kong statement right after ng nangyari ang lahat na ipina-delete rin agad sa akin ng mga taong itinuturing kong dapat kong pakinggan.


“Dala na rin siguro ng bugso ng damdamin at kahihiyang inabot ko, kaya normal lang sa isang babaeng tulad ko na napahiya at nabastos ang maglabas ng sama ng loob. Pero wala akong sinabi na hindi totoo.


“Natanggal ako sa afternoon show namin sa dahilang 'di ko naiintindihan. Malamang dahil mas madali ang walang panigan kesa madamay pa ang hindi dapat nadadamay. Naiintindihan ko naman.


“Provoked? We were playing games, of course, "asaran" is part of the play. But ang mamahiya, mambara, magsalita ng kung anu-ano at mambastos sa taong nagsasalita at ‘yung magwawala ka were not part of the game.


“Play. Naglalaro tayo, Naglalaro. Napikon ka. ‘Yan ang nangyari. Ako ang dapat napikon, pero hinayaan ko lang na madurog ako, mapahiya kahit 'di ko deserve dahil kailangan kong magpaka-professional sa harap ng camera.


“Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao, dinuru-duro, ipinahiya.


“Bigyan mo ng dahilan ang ginawa mo. Pahabain mo pa itong usapin na ito. Isa lang ‘yan, hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo. ‘Wag nang dahil babae ako, luma na 'yan. Pagkatao na lang.


“'Wag mo naman pong palabasin na kasalanan ko dahil you were 'provoked.’


“Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksiyon mo nu’ng oras na ‘yun, timbangin mo. Sa sinabi ko ba, nagkaroon ka na ng karapatang pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo?


“Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari. Kung papaano mo makikita ‘yan, ikaw at sarili mo na lang ang makakaalam. Maraming nakakita, nakapanood at alam ang totoong nangyari. Ibibigay ko na ‘yan sa katotohanan. Wala nang silbing ilaban ko pa sa iyo ‘yan.


“Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho. Kung anuman ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at tingin mo eh, naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong napatawad na rin kita.


“Sa management, respeto at pagmamahal pa rin po ang deserve n'yo. Mahal na mahal ko po kayong lahat d'yan.


“But the decision to take me out wasn't fair but I will take it. You should've just given me the dignity of letting me go when I asked to resign. But you opted to remove me after we had a talk and when all was supposedly ironed out already.


“Nagpaalam po ako na magpo-post ng pagpapatawad, and ‘yun ang last post ko, as in last, dahil getting ready na ako pumasok kinabukasan nang magaan ang loob nang dahil sa pagpapatawad na inayunan po ninyo.


“At the end of the day, no matter what happened, we all know the truth about the whole issue. The real truth.


“Salamat po sa lahat, NET 25, sa mga natutunan at mga opportunities po, at sa mga nakatrabaho ko. Mahal ko po kayo with so much respect.


“Malungkot man ang pagtatapos na ito, tuloy ang pag-ikot ng mundo, tuloy ang pag-ikot ng buhay at tuloy lang ang buhay nating lahat.


“This is the LAST time I am going to talk about this.


“Maraming Salamat Po.”


Habang kausap namin ang TV host-comedienne ay okay na siya at nagkuwento na may hinihintay siyang go signal para sa bagong offer sa kanya mula sa ibang TV network.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page