Dahil lang 'di magka-level sa yaman… PAG-IIMBESTIGA NG KAMPO NI BEA, INSULTO KAY DOMINIC
- BULGAR
- Feb 14, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 14, 2024

Marami ang naghihintay sa reaction at comment ni Vice Ganda sa breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Sa vlog kasi ni Quezon City Councilor Bong Suntay, nagkaroon sila ni Dominic ng usapan tungkol sa love life ng actor-model.
Biglang nag-flashback si Dominic kung paano sila nagkakilala ng ex-fiancée niyang si Bea. Nabanggit ng actor na si Vice ang nagpakilala sa kanya kay Bea. Nasabi kasi niyang crush niya ang actress. Kaya nang minsan sa isang event kung saan nandu’n si Bea ay isinama ni Vice ang aktor at ipinakilala sa crush niyang actress.
Ayon kay Dominic, hindi naman siya nagparamdam agad na manliligaw kay Bea dahil nagsimula muna sila bilang magkaibigan, madalas nagkikita at nagsasama sa mga lakad ng mga showbiz friends.
Doon sa biyahe nila sa Japan bago nag-pandemic nagsimula ang closeness nila. Isa si Ian Veneracion sa mga nag-udyok kay Dominic na sumama sa grupo nina Bea na nagtu-tour sa Japan.
As of now, wala pa ring comment si Ian sa paghihiwalay nila Bea at Dominic. Siya pa naman daw ang balak kuning best man ni Dominic sa kasal nila ng aktres.
May comment naman ang ilang kalalakihan tungkol sa ginawang imbestigasyon diumano ng kampo ni Bea sa background ng dating fiancé. Para raw insulto ito kay Dominic Roque. Masyado raw segurista si Bea.
Masakit din naman sa parte ni Dominic ang paghihiwalay nila dahil totoong minahal naman niya si Bea. Hindi nga lang mapantayan ng aktor ang yaman ng aktres.





Comments