Search
  • BULGAR

Dahil kay Maine… KALAT NA: ARJO, NAG-OBER DA BAKOD SA SIYETE

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 23, 2021




May mga sitsit na kumakalat sa bakuran ng Kapuso Network. Aapir daw si Arjo Atayde sa sitcom ng girlfriend niyang si Maine Mendoza na Daddy’s Gurl para sa birthday ng aktres. Sa March 3 ang birthday ni Maine who turns 26. Special birthday episode ang Daddy’s Gurl na ipapalabas sa March 6.


May teaser na ang sitcom for the special birthday episode. Ipinakitang magpapaalam si Stacy (Maine) para umihi at pinakiusapan ang kasamahan na magbantay muna sa kanyang stall.


May guy na eeksena sa frame, pero likod lang ang ipinakita. Nag-hi ang guy at in-introduce ang sarili na siya si Julio.


Halata sa facial expression ni Maine ang pagkakilig nang makita ang face ng guy.


Espekulasyon ng ArMaine fans, ang Kapamilya actor na si Arjo ang nagpakilalang ‘Julio.’


Komento ng mga netizens, “Boses Arjo eyy!”


“Gosh si Babs ba 'yan?!”


“This is so exciting!”


“Wow, ang BF, eh, guest! Excited to watch this episode.”


Iba talaga kapag mahal mo ang isang tao. Magkaribal ang Kapamilya at Kapuso Network pero dahil mahal ni Arjo si Maine, tutungtong siya sa GMA-7 para mapaligaya ang girlfriend.


Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.