Dahil kay Lisa ng Blackpink… ALDEN, TURNED-OFF NOON SA BABAENG SHORT HAIR, GUSTO NA NGAYON
ni Nitz Miralles - @Bida | December 21, 2021

Nakalipad kahapon (Dec. 20) si Alden Richards para sa bakasyon niya sa Amerika at ang balita, sa January 9, 2022 na ang balik niya sa bansa.
Kaya wala siya sa New Year Countdown ng GMA Network, pero mapapanood pa rin siya dahil bago umalis ay tila nag-taping ng segment niya.
Wala rin si Alden sa birthday niya sa Jan. 2, 2022, pero siguradong sa kanyang pagbabalik, magkakaroon ng post-birthday celebration ang kanyang mga fans. First time kasing magbi-birthday ni Alden na nasa ibang bansa siya.
Hindi rin naman siya mami-miss ng mga fans dahil patuloy ang airing ng The World Between Us, na last three weeks na lang bago magtapos. Ang hindi natuloy ay ang makapag-shooting na sana sila ni Bea Alonzo ng movie nilang Special Memory. Pero tapos na ang look test nila at pagbalik ni Alden, puwede na nilang simulan ang shooting para sa nasabing pelikula.
Naalala namin, sa isang interview kay Alden, nabanggit na next year, maghahanap na siya ng babaeng mamahalin. Panahon na raw para sa kanyang personal life. Gusto raw niyang mag-asawa when he’s 30 years old, eh, next year na ‘yun.
Naalala rin namin ang isa niyang old interview kung saan nabanggit ang qualities na gusto niya sa girl. Kaya lang, parang nagbago na ang preference niya dahil dati, gusto niya ng long hair, eh, nagka-crush siya kay Lisa ng Blackpink na short hair. Ayaw din niya dati ng kumakain ng salad, pero ngayon, more on salad na ang menu niya.
Anyway, hintayin na lang natin kung may ipakikilala na si Alden na love of his life next year na target year niya para mag-asawa.





Comments