Dahil kay Barbie… SARAH, 'DI LANG SI RICHARD ANG IN-UNFOLLOW, PATI SINA ANNABELLE, RAYMOND AT RUFFA
- BULGAR
- Jan 11, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | January 11, 2024

Bukod pala sa balitang in-unfollow na ni Sarah Lahbati ang mister na si Richard Gutierrez sa Instagram, gayundin ang ina nitong si Annabelle Rama at mga kapatid na sina Raymond at Ruffa Gutierrez, tinanggal na rin daw ni Sarah ang apelyidong Gutierrez sa kanyang pangalan.
Napansin ng mga netizens na nag-unfollow si Sarah kay Richard nang lumabas ang isyung nakitang magkasama sa bar sa Alabang ang aktor at ang Kapamilya sexy actress na si Barbie Imperial.
Reaksiyon ng mga netizens, "Last straw na niya siguro 'yun, to totally unfollow him."
Mukhang marami naman ang 'di pabor kung totoong si Barbie na ang bagong apple of the eye ni Richard Gutierrez.
"Ano nang nangyari sa taste ni Richard Gutz pagdating sa babae? Pababa nang pababa, ah!"
"Ang cheap naman ni new jowa if ever. As if papasa sa MIL (mother-in-law) niya."
"Nakita ko 'yung video. Halos magdikit na ang face nu'ng dalawa. Tapos, may chika na pati sa CR, nakabantay si guy."
"From Anne Curtis, to Georgina Wilson, to Sarah, and then Barbie??? Jeeez Richard!!
WTH?"
Sabi naman ng isang commenter, "She dropped na 'yung SLG sa IG name niya. Wala nang couple pics, puro fam pics na lang itinira. Pak! Go Reysard (Richard), you're free as a bird. Charot!"





Comments