Dahil judge si Marian?! HEART, DEDMA SA MISS U
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 14, 2021

Kung nag-trending ang Miss Universe appearance ni Marian Rivera, ayaw ding pahuli sa socmed ni Heart Evangelista sa pagrampa niya sa 19th Annual Asian-American Awards na ginanap sa Beverly Hilton California, USA.
At gaya ni Marian, umani rin ng bashing si Heart sa video post niya sa kanyang pagrampa sa red carpet sa naganap na awarding ceremony sa USA.
“No one seems to be clicking their cameras for you,” comment ng netizen sa tweet post ni Heart.
Kaya naman may-I-tweet ng hugot niya si Heart sa kanyang basher, “Bakit ang active ng mga bashers ngayon? Ganito na lang, let’s just all be happy for everyone striving and making their dreams come true - it’s possible!"
Ayaw paawat ng basher ni Heart at nag-post ulit ng comment sa tweet ng Kapuso star.
“Walang nangba-bash sa 'yo, gusto mo lang maki-ride talaga.”
Sinegundahan naman ito ng isa pang basher ni Heart, “True nakiki-ride ang g___g___.”
Pero marami pa rin naman ang nagtanggol kay Heart sa kanyang basher.
“Mars, ganyan talaga ang mga walang bilang sa mundo. Naghahanap ng reason to be relevant. Char not charrrr!"
“Don't worry Ms. Heart. Ganyan talaga ang puno na maraming bunga, madalas binabato.”
Binigyan naman ng moral support ng TV host na siGretchen Ho si Heart, “Keep going! ;)”
Sa true lang, marami ang nakakakilala kay Heart sa dinaluhan niyang event sa US. At saka, bonggacious ang white gown na suot ni Heart sa event. She carried it with style and elegance.
Reply-tweet nga ni Alessandra de Rossi kay Heart, “You came in with the wrecking ball..”
Ini-repost ni Heart ang tweet ni Alessandra at nilagyan ng caption na ganito: “Hahahahaha that’s right baby gurllll.”
Hinihintay namin na mag-post din si Heart ng anything about Miss Universe, pero mukhang dedma siya.
Is it because of Marian Rivera na nakaalitan niya noon?
Hmmm…





Comments