top of page
Search
  • BULGAR

Dahil daw kay John Lloyd… BEA AT DOMINIC, 'DI PA UMAAMING MAG-BF, BREAK NA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 8, 2021




May kumakalat ngayong balita na diumano'y break na sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil daw kay John Lloyd Cruz.


Hindi pa man umaamin sa kanilang relasyon sina Bea at Dominic, break na agad?


Kung matatandaan, kamakailan ay dumalaw si JLC sa Beati Farm ni Bea sa Zambales.


Pero bago ito, may lumabas na pahayag si Bea nang ma-interview ni Ethel Booba kung saan sinabi ng aktres na hindi na nila kailangang dumaan ni Lloydie sa boyfriend-girlfriend status at diretsong kasalan na agad kung saka-sakaling magiging sila dahil matagal na nilang kilala ang isa't isa.


May balita ring may gagawing comeback movie sina John Lloyd at Bea under Star Cinema na ididirehe ni Direk Cathy Garcia-Molina, ang No Goodbyes.


Ito kaya ang dahilan kaya kumakalat na break na sina Bea at Dominic kahit wala pang kumpirmasyon na naging sila?


Pinagselosan ba ni Dominic si John Lloyd o sadyang pinalulutang lang ngayon na hiwalay na sila ni Bea para hindi siya makagulo sa eksena?


Samantala, tuwang-tuwa raw ang mommy ni Bea na si MaryAnn sa pagdalaw ni John Lloyd sa Beati Farm.


Pagkatapos nito, ang magulang naman daw ni John Lloyd ang nag-imbita sa aktres na pumunta sa kanila. Pinaunlakan naman daw ni Bea ang paanyaya ng pamilya ni JLC. Ipinaghanda pa nga raw ng masasarap na pagkain ng ina ni Lloydie ang aktres.


Napakasarap daw magluto ng ina ni John Lloyd at specialty ni Mommy Aida ang paggawa ng hamonado na iniregalo kay Bea.


Maging ang ina nga raw ni Bea na si Mary Ann ay pinadadalhan din ng hamonado ni Mommy Aida.


Naku, ha? Kung totoo ang mga chikang ito na kumakalat ngayon, mukhang may nabubuo ngang pagkakamabutihan sa dalawang kampo.


So, paano na talaga si Dominic kapag nagkataon? Mukhang bigla na raw itong nawala sa eksena pagkatapos nilang magbakasyon ni Bea sa Amanpulo?


Pero para sa mga fans ng tambalang Basha at Popoy (karakter nina Bea at John Lloyd sa movie), pabor na pabor silang mauwi sa totoong buhay at magkatuluyan ang paborito nilang love team.


Anyway, sa vlog ni Bea last February 12 titled A Day In My Life, sinabi niyang mahilig siyang magplano sa buhay.


“I am giving you a glimpse of what my typical day is like. (Request n'yo, eh!)


Sa nasabing vlog, naagaw ang pansin namin na may fitting session ang aktres.


Aniya, isang bridal collection daw ang kanyang ipi-fit para sa isang kaibigang designer.


Hindi raw niya alam kung bakit siya kinuha ng kaibigan para mag-fit ng mga ginawa nitong wedding dress.


“I’m not a bride yet… not even a bride-to-be,” sey ni Bea.


Sabi pa ng aktres, “I’m doing this for my friend. Yes, you heard it right, BRIDAL COLLECTION!!! Hindi ko alam… should I claim it? Pero kung magiging bride kaya ako… ano kaya'ng wedding dress ko 'noh?... Let's see later, help me decide…”


In fairness, lahat ng gowns na isinukat ni Bea ay bagay sa kanya.


Komento nga ng isang netizen, “Wow at least, the wedding bells are ringing for Bea. Who's the lucky guy? Let me guess, hmmm.”


May nagre-request naman na sana raw ay magkaroon ng collaboration sina Bea at Toni Gonzaga.

Ang galing daw nilang mag-deliver at magpaliwanag ng mga bagay-bagay sa kanilang ginagawang vlogs.


Oh well, ang pagpayag kaya ni Bea na magsukat ng wedding gown ay palatandaang type na rin niyang magpakasal?


Ang tanong, sino kaya ang makakatuluyan ng aktres? Marami ang may gustong sila ni John Lloyd na lang daw dahil kilala na nila nang husto ang isa’t isa.


Hint na rin kaya ang pag-comment ni Bea sa larawang ipinost ni JLC kung saan nagpakalbo ito?

May ginamit daw na ibang user ID ang aktres at nagkomento ng “Napakapogi naman kahit kalbo. Husband material.”


Espekulasyon ng mga netizens, si Bea ang nagkomentong 'yun.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page