ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 24, 2024
Super blessed at napakasuwerte ng power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Bukod sa napaka-ideal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa at biniyayaan ng dalawang anak, bonggang-bongga rin ang takbo ng kanilang career ngayon.
Hindi inakala ng marami na ang pelikula nilang Rewind na nakasama sa nakaraang MMFF 2023 ay magiging super box office hit.
Kumita ito nang mahigit P1 billion at breaking the record talaga. Nalagpasan na ng Rewind ang kinita sa takilya ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo at nanalo pang Best Actor si Dingdong Dantes sa Manila International Filmfest na ginanap sa LA, California, USA.
Kahit na mag-asawa na sina Marian at Dingdong ay hindi nagsawa ang kanilang mga fans at pinanood ang movie nilang Rewind.
At maging ang kanilang mga TV shows sa GMA Network ay patuloy na tinatangkilik tulad ng Jose & Maria's Bonggang Villa na napapanood tuwing Sabado nang gabi. Malakas din sa masa ang game show ni Dingdong na Family Feud.
Kaya naman, dagsa ang offer na endorsements ngayon kina Marian at Dingdong. Sila ngayon ang latest endorser ng sikat na fast food chain. Bagay sa kanila ang concept ng kanilang bagong endorsement. Parehong magaling sumayaw sina YanYan at Dong. Makikita na milyon ang nag-like sa kanilang TikTok kung saan nagpakita sila ng kanilang kakaibang dance moves.
Well, tiyak na milyones din ang TF (talent fee) ng mag-asawa sa kanilang latest endorsement ng sikat na fast food chain. May puwede kayang ipantapat sa DongYan tandem ang kalabang food chain? Sino ang puwedeng pumantay sa Box Office Queen and King na sina Marian at Dingdong?
Puwede kaya ang couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola kasama ang super cute na si Baby Peanut? Plus factor din kung isasama sa kanila ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos-Recto.
Comentarios