Dagdag-taon, dagdag-gastos, pabigat sa mga Pinoy… SEN. ROBIN: SISTEMA NG EDUKASYON, AYUSIN
- BULGAR

- 5 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | May 12, 2026

Photo: Robin Padilla / FB
Iminungkahi ni Sen. Robin Padilla na panahon nang ayusin ang sistema ng edukasyon.
Saad ni Sen. Robin, “Dagdag taon, dagdag gastos. Panahon nang ayusin ang sistema ng edukasyon.”
Sa ilalim ng SBN 1297, iminungkahi ni Sen. Robin Padilla na mabawasan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilyang Pilipino at magkaroon ng mas epektibo at angkop na sistemang pang-edukasyon para sa kabataan.
Sang-ayon ba kayo na ibalik ang dating curriculum?
Well, sa comment section ng post ni Sen. Robin ay marami ang nakiusap na tanggalin ang K-12.
Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?
SA panayam ng King of Talk na si Boy Abunda kay Bea Borres sa Fast Talk with Boy Abunda ay napag-usapan ang tungkol sa kagustuhan nitong mag-artista.
Tanong ng mahusay na TV host, “Gusto mo rin bang maging katulad ni Andrea Brillantes, maging leading lady, maging artista?”
Sey ni Bea, “Of course, pangarap ko po ‘yun, Tito Boy. Gusto ko talagang maging sikat na artista. I want to be a superstar. I want to be, alam mo ‘yun, gusto ko ‘yung mga kawawang roles. Gusto ko ‘yung inaapi ako, ‘yun talaga ang pangarap ko. Pero ngayon, gusto ko nang maging kontrabida.”
Dagdag na tanong ni Boy, “Ba’t ‘di mo itinuloy ang pag-aartista?”
Sey ni Bea, “Well, Tito Boy, sobrang blunt kong tao. Siguro kasi, pangit ako dati. Charot lang, hindi. Ah, walang opportunities for me. ‘Di ako gusto, ‘di ako favorite.”
Tanong ni Boy, “Paano mo nalaman?”
Sey ni Bea, “Okay, I’ll be honest, meron akong backer, eh. Pero kahit ano namang backer mo, kung ‘di ka kakagatin ng mga boss, ganu’n, wala rin.”
Hirit na tanong ni Boy, “Baka naman nagmadali ka. ‘Di naman kaya? Kasi mahabang panahon ba. Did you try for a number of years?”
Sey ni Bea, “Siguro, 3 years. Saka siguro, ‘di rin ako magaling umarte. Hahaha! Siguro, ‘yun din ‘yun, Tito Boy.”
Samantala, napag-usapan din nina Boy at Bea ang dahilan kung bakit hindi nito kinuha ang komedyanang si Herlene Budol bilang ninang ng kanyang anak.
Tanong ni Boy, “Bakit ‘di mo kinuhang ninang si Herlene ‘Hipon’ Budol?”
Sey ni Bea, “Eh, kasi Tito Boy, it was a vlog. So alam mo ‘yun, like ang tagal na naming nagkukulitan. So I thought it was a joke. Tapos akala n’ya, gets n’ya rin na joke.
“Tapos, biglang nakita ko, nag-interview s’ya here, tapos nag-viral. Tapos, pinapamukha n’ya naman ako na masamang tao. S’ya nga, ‘di n’ya pinansin ‘yung DM (direct message sa Instagram) ko before. Hahaha!”
Dagdag na tanong ni Boy, “Nagkausap na kayo?”
Sey ni Bea, “‘Di pa.”
Well, ibang klase ang chemistry at rapport nina Boy Abunda at Bea Borres. Straight to the point ang usapan!
Buong pagmamalaking ibinahagi ng aktor-direktor na si Xian Lim ang video clip ng kanyang graduation photoshoot, suot ang kanyang robe.
Sa edad na 36, nakatakda siyang magtapos ng Bachelor of Arts in Music Production mula sa De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-CSB) sa July 4, 2026, sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).
Saad ni Xian sa post niya na nagbigay ng inspirasyon sa madlang people, “Dear 8-year-old self, the road gets hard sometimes... but I promise, we make it through more than you could ever imagine.
“And one day, the things you once only dreamed about slowly become reality…”
Anyway, muli na naman nating napatunayan na ang edukasyon ay isang walang katapusang paglalakbay na hindi nalilimitahan ng edad o estado sa buhay.
Isang malaking congratulations, Direk Xian Lim.





Comments