top of page

Dagdag-presyo, araw-araw... P24 diesel, P13 gasoline, P38 kerosene

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @Business News | March 10, 2026



Gasoline oil price hike

Photo: File



Maaga ang penitensiya ng mga motorista matapos ianunsiyo ng Department of Energy ang inaasahang mataas na presyo ng produktong petrolyo dulot ng epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan partikular sa Iran, Israel at Estados Unidos.


Batay sa inilabas na pagtaya ng DOE, aasahan ang pagtaas ng presyo ng gasolina mula P7 hanggang P13 kada litro; P17.50 hanggang P24.25 kada litro sa diesel, at P32 hanggang P38.50 sa kerosene.


Dahil sa mataas na presyo, hiniling ng DOE sa mga kumpanya ng langis na huwag biglain ang implementasyon bagkus ay gawin itong unti-unti, bagama’t posibleng araw-araw.



OIL PRICE WATCH


Positibo naman ang pagtugon ng mga pangunahing kumpanya ng langis sa bansa upang hindi gaanong mahirapan ang publiko.


Hindi lamang ang mga motorista sa sektor ng transportasyon ang direktang maaapektuhan sa mataas na presyo ng langis kundi pati na rin ang mga magsasaka, mangingisda at ordinaryong consumer dahil sa magiging epekto nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin.


Dahil dito, inatasan na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan na bantayan ang mga gas station upang maiwasan ang pagsasamantala gaya ng hoarding at profiteering mula sa produktong petrolyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page