top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Planong IPO ng Mynt, mahalaga sa Philippine capital market

Writer: BULGAR
BULGAR
55 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 18, 2026



Planong IPO ng Mynt, mahalaga sa Philippine capital market

Photo: File



Positibo ang mga analyst sa potensyal ng IPO ng Mynt Inc., parent company ng GCash, na maaaring magkaroon ng final price na nasa P7.50 hanggang P8.50 bawat share, mas mababa sa maximum indicative price na P10.


Ayon sa mga analyst, suportado ang valuation ng Mynt dahil sa malakas na kita, cash generation, at nangungunang posisyon nito sa digital financial services. Tinataya ng AB Capital Securities ang equity value ng kumpanya sa P531 bilyon hanggang P834 bilyon gamit ang discounted cash flow analysis.


Binanggit naman ng Morgan Stanley na nakalikha ang Mynt ng P17.2 bilyong net income mula sa P79.7 bilyong adjusted revenue noong 2025, na katumbas ng 21.6% net profit margin at 32.1% return on equity. Inaasahang tataas pa ang net income nito sa P21.2 bilyon ngayong 2026, habang umakyat sa 25.2% ang net margin sa unang kalahati ng taon.


Ayon sa market observers, maaaring makahikayat ng mas maraming institutional at retail investors ang mas mababang IPO price. Ang demand sa merkado, resulta ng book-building, at trading activity matapos ang listing ang magiging salik sa magiging valuation ng kumpanya.


Itinuturing ang IPO ng Mynt bilang mahalagang kaganapan sa Philippine capital market na maaaring magpalawak ng public participation at investment culture sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page