top of page
TALKIES - HEART, MAGRE-REPLY DAW SA EX ‘PAG NAG-TEXT-IG _iamhearte.jpg

Dagdag-ayuda sa PUV, pinag-aaralan na — LTFRB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 26, 2026



Gasoline fuel - frp

Photo: File



Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapalawak at pagdaragdag ng fuel discount para sa mga pampublikong sasakyan (PUV) bilang tugon sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.


Inatasan ni Transportation Sec. Giovanni Lopez ang ahensya na talakayin ang naturang panukala, bukod pa sa patuloy na pagrepaso sa mga petisyon para sa dagdag-pasahe.

Ani LTFRB Chair Vigor Mendoza II, ang pagpapalawak at pagtaas ng fuel discount ang isa sa praktikal na hakbang habang nananatiling hindi tiyak ang sitwasyon sa Middle East.


Gayunman, inamin ni Mendoza na mangangailangan ng malaking pondo ang pagpapalawak at pagdaragdag ng fuel subsidy. Dagdag pa niya, tinitingnan lamang ang panukala bilang huling opsyon habang nagpapatuloy ang mga konsultasyon sa mga stakeholder sa iba't ibang panig ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page