top of page
Search

ni V. Reyes | June 30, 2025



PUV Jeepney driver - File Photo

Photo File


Pumayag na umano ang ilang kumpanya ng langis na magbigay ng hindi bababa sa piso kada litrong diskuwento sa mga drayber ng pampublikong sasakyan upang maibsan ang epekto ng serye ng oil price hike.


Ayon kay Department of Energy (DOE) officer-in-charge Secretary Sharon Garin, resulta ito ng pakikipag-usap sa mga nasa industriya ng langis para matulungan ang mga tsuper.


"Nakausap natin 'yung Petron, Caltex, Shell at Cleanfuel. Everyday naman, 'yan mini-meeting kada isa. At least meron silang mga P1 discount sa kada litro sa lahat ng public utility vehicles," ayon kay Garin.


"So, bawi rin 'yan kasi hindi namin masyadong makontrol ang presyo. Sabi ng batas, 'wag n'yong kontrolin. So, humihingi kami ng tulong sa mga oil companies," dagdag nito.


Binanggit pa ni Garin na marami ring promo bilang loyalty program at diskuwento ang mga kumpanya ng langis na maaaring tangkilikin ng mga pribadong motorista.


Matatandaang dalawang beses na nagpatupad ng bigtime na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo.

 
 

ni Ryan Sison @Boses | Dec. 28, 2024



Boses by Ryan Sison

Dahil inaasahang marami ang magsisiuwian sa kanilang mga probinsya para salubungin ang BagongTaon, tiyak na dagsa rin ang mga sasakay sa mga public utility vehicles (PUVs) na posibleng makapanood ng kung anu-anong mga movie at shows. 


Kaya naman pinaalalahanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang lahat ng operator at driver na tanging “G” o General Patronage at “PG” o Parental Guidance na rated content ang pinapayagang ipalabas sa loob ng PUVs habang nasa biyahe.  


Batay sa MTRCB Memorandum Circular No. 09-2011, kinikilala bilang common carriers o isang “sinehan” ang mga PUV dahil nagpapalabas sila ng mga pelikula na sakop ng board.


Sa ilalim ng batas, dapat na angkop para sa lahat ng manonood, partikular sa mga bata, ang mga pelikulang ipinapalabas sa mga pampublikong transportasyon.


Gayundin, base sa Chapter 3, Section 1-3 ng naturang circular, ang mga PUV na nagpapakita ng motion pictures ay kinakailangang sumunod sa parehong regulasyon gaya ng mga sinehan.


Ito ay upang matiyak na ang mga pelikula ay nananatiling angkop para sa lahat ng pasahero at hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa mga menor-de-edad na bumibiyahe kasama ang kanilang mga pamilya.


Hinikayat naman ng MTRCB ang publiko na i-report ang mga violator sa pamamagitan ng kanilang mga social media channel na @MTRCBGov o sa email sa complaints@mtrcb.gov.ph.


Binigyang-diin din nila para sa mga PUV operator ay dapat sumunod sa nasabing panuntunan o mahaharap sa parusa ang lalabag alinsunod sa Presidential Decree No. 1986 at Chapter XIII ng 2004 Revised Implementing Rules and Regulations.


Mas makabubuting tumalima na lamang ang ating mga kababayang driver at operator ng mga PUV upang hindi na sila umabot sa puntong maparusahan ayon sa nakasaad sa ating batas.


Hindi naman talaga maganda na makapanood ang mga biyahero, lalo na ang mga bata, ng mga itinuturing nating malalaswang movies at shows o ‘yung mga palabas na puno ng karahasan at patayan dahil tiyak na malaking epekto nito sa isipan ng lahat ng nakasakay sa mga public transport.


Kumbaga, may responsibilidad din sila na makapagserbisyo sa mga pasahero, hindi lang sa ligtas na pagbiyahe, kundi pati na rin para makapagbigay ng kaaya-ayang karanasan sa paglalakbay sa pamamagitan ng pagpapalabas ng nararapat lamang na mga panoorin.


Sa kinauukulan, sana ay tiyaking walang makakalusot na mga pasaway na driver at konduktor na magpapalabas ng mga x-rated movies at iba pang katulad nito habang bumibiyahe sa kanilang mga pampasaherong sasakyan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

 
 

ni Angela Fernando @News | July 31, 2024



File photo
File Photo: Senate of the Philippines / MMDA

Pumirma ang 22 sa 23 senador sa resolusyong humihimok sa gobyerno na pansamantalang ipatigil ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), na ngayon ay tinatawag na Public Transport Modernization Program (PTMP).


Lahat ng senador maliban kay Senador Risa Hontiveros ay pumirma at may-akda ng mungkahing Senate Resolution 1096. Hindi pa ipinaliliwanag ni Hontiveros kung bakit hindi pa niya pinipirmahan ang panukala.


Sinabi ng mga senador sa PSR 1096 na ang programa ay dapat pansamantalang isuspinde habang hindi pa nareresolba ang mga lehitimo at agarang suliranin na inihain ng mga apektadong driver, grupo, union, at transport cooperatives, na may layuning masiguro ang mas epektibo at inklusibong pagpapatupad ng PTMP.


Binigyang-prayoridad ng mga mambabatas ang mga alalahaning inihain ng iba't ibang transport groups na kanilang tinutukoy na kakulangan sa PTMP na hindi pa natutugunan ng Department of Transportation (DOTr).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page