Bike patrols, ikakalat sa mga sementeryo

ni Gina Plenago @News | October 27, 2026

Photo: PNP NCRPO
Ide-deploy sa mga sementeryo sa darating na Undas ang bike patrols para sa mas mabilis na pagresponde at mas madaling galawan sa mga makikipot na eskinita sa mga sementeryo.
Inatasan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga district commander nito na mag-deploy ng bike patrols, bukod sa foot patrols ngayong Undas.
Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge P/Brig. Gen. Christopher Abrahano, inatasan din ang mga commander na tiyakin ang sapat na police visibility at maayos na deployment ng tauhan sa mga sementeryo at paligid nito.
“Dapat nakikita, nalalapitan, at mabilis rumesponde ang ating kapulisan. Sa pamamagitan ng bike patrols, mas magiging maagap ang ating mga tauhan sa pagbibigay ng tulong at sa pagtiyak ng payapa at maayos na paggunita ng Undas,” dagdag pa ni NCRPO chief.





Comments