P0.30 bawas sa gasoline... P1.20 dagdag-presyo sa diesel, P0.50 kerosene

ni Mervin Reyes @News | October 27, 2026

Photo: File
Magpapatupad ng magkakaibang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula ngayong araw, Oktubre 27, hanggang Nobyembre 2, ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa anunsyo ni Energy Secretary Sharon Garin, P1.20 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel, habang P0.50 kada litro naman ang itataas sa kerosene.
Samantala, P0.30 kada litro ang ibabawas sa presyo ng gasolina.
Noong nakaraang linggo, nagkaroon din ng magkakaibang galaw sa presyo ng petrolyo, kung saan bumaba ang presyo ng gasolina at kerosene habang tumaas naman ang diesel.





Comments