by Info @News | January 27, 2026

Photo: LTFRB
Nakatakdang magpakalat ng 'mystery passenger' ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mas pinaigting na crackdown laban sa ilegal na terminals sa bansa.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza, ipapakalat ang kanilang mga tauhan na magsisilbing pasahero upang matugis ang mga terminal na anila’y hindi sumusunod sa patakaran at nagiging lungga ng kolorum na sasakyan.
Sa ngayon, binabalangkas na umano ng ahensya ang polisiya na pipigil makakuha ng prangkisa ang mga ‘unsafe and run-down’ na PUVs.





