Dadalaw sa asawa't anak sa selda... Misis, buking sa shabu sa ari

ni Gina Plenago @News | November 16, 2026

Photo: BuCor
Timbog ang isang ginang matapos makuhanan ng ilang sachet ng hinihinalang shabu sa ari sa pagdalaw sa anak at asawa na nakapiit sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, noong Biyernes ng hapon.
Sa ulat na isinumite kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., kinilala ni NBP Senior Superintendent Gary Garcia ang suspek na si alyas Jennifer, ina ni PDL "Hubert" at common-law wife ni PDL "Marianito,” kapwa nakakulong sa NBP Maximum Security Camp.
Naganap ang insidente habang isinasagawa ang body search ni Correction Officer I Graizel Cabarrubias sa Inmate Visitation Service Unit (IVSU).
Dahil under maintenance ang body scanner ng IVSU ng NBP, inutusan ni Correction Officer II Cyrus Bedoya sina Cabarrubias at CO1 Faith Marie Balangui na samahan ang ginang sa Gate 1 para sa pag-scan.
Sa body scan natukoy ang kahina-hinalang bagay sa katawan ng babae kaya isinalang pa siya sa pangalawang inspeksyon.
Sa strip at cavity search, narekober ang dalawang condom na nakatago sa ari—ang isang condom na naglalaman ng 11 plastic sachets ng umano'y shabu at ang isa ay may 3 pang sachet ng shabu.





Comments