top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

Timor-Leste, bagong miyembro ng ASEAN

Writer: BULGAR
BULGAR
55 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 16, 2026



Claire Castro - PCO

Photo: Makasaysayang itinaas sa Maynila ang bagong watawat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang simbolo ng opisyal na pagkilala sa Timor-Leste bilang ika-11 miyembrong bansa ng organisasyon. (COURTESY: PCO)



Makasaysayang itinaas sa Maynila ang bagong watawat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang simbolo ng opisyal na pagkilala sa Timor-Leste bilang ika-11 miyembrong bansa ng organisasyon.


Sa ilalim ng ASEAN Chairmanship ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagkabisa ang Cebu Protocol na naglalaman ng kauna-unahang pag-amyenda sa ASEAN Charter mula nang lagdaan ito noong 2007.


Kasabay nito ang pagpapakilala sa bagong ASEAN emblem bilang bahagi ng pagbubukas ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Maynila ngayong Nobyembre 15, 2026.


Tatalakayin din sa summit ang mahahalagang usapin tulad ng maritime security, proteksyon ng mga migrant worker at kabataan, disaster response, at pagpapalakas ng digital economy sa rehiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page