top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | May 20, 2024

ree

Inilipat ang 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungo sa Davao Prison and Penal Farm noong weekend, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).


Sa mga nailipat, 250 ang mula sa maximum security compound, 50 ang mula sa medium security compound, at 200 ang mula sa Reception and Diagnostic Center (RDC).


Sa ngayon, may kabuuang 4,600 PDLs na ang nailipat mula sa NBP.


Sinabi naman ng BuCor na nagsisikap silang ilipat ang 10,900 iba pa.

 
 

ni Madel Moratillo @News | August 12, 2023



ree

Nanganganib na makaltasan ang pondo ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa 2024 kasunod ng umano'y nagpapatuloy na korupsiyon sa loob ng New Bilibid Prison.


Para sa 2024, P7.2 bilyon ang hirit na pondo ng BuCor, mas mataas sa P6.1B pondo para sa taong ito.


Sa ginawang pagdinig ng Kamara, nagisa nang husto ang mga opisyal ng BuCor kung bakit nakakapamuhay pa rin ng marangya ang ibang preso kahit nakabilanggo. Ang iba, may access sa cellphone at internet.


Ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante, chairman ng human rights committee at miyembro ng house public order panel, kung hindi lang dahil sa mga persons deprived of liberty, isusulong niya na gawing piso ang pondo ng BuCor sa 2024.


Sa labis na pagkadismaya, hinamon ni Abante na bumaba sa pwesto si BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr. dahil sa kabiguang mareporma ang Bilibid.

Sagot ni Catapang, handa siyang mag-resign… Pero hindi ngayon dahil mayrooon siyang duty.


Humingi siya ng dagdag pang panahon sa mga mambabatas dahil minana lang umano niya ang mga problemang ito.



 
 

ni Mai Ancheta @News | August 9, 2023



ree

Hindi sa tao kundi sa manok ang mga nakuhang buto sa septic tank ng mga awtoridad sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.


Ito ang inihayag ng National Bureau of Investigation sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights nitong Martes sa pambansang piitan.


Sinabi ni Dr. Analyn Dadis ng NBI-Medico Legal Division na lumabas sa kanilang pagsusuri na ang mga nakuhang buto mula sa poso negro ng Bilibid ay buto ng manok na bahagi ng binti o leg part ng manok.


Nakuha rin sa poso negro ang underwear, pang-ahit at dalawang lighter.


Ginawa ang imbestigasyon ng Senado matapos mapaulat ang pagkawala ng preso na si Michael Cataroja sa maximum security compound at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page