P7.8M puslit na yosi, nasabat

ni Mervin Reyes @News | November 16, 2026

Photo: P7.8 milyon puslit na yosi sa Brgy. Mapantao, Picong, Lanao del Sur - Circulated
Nasamsam ang 195 kahon ng hinihinalang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P7.8 milyon sa Brgy. Mapantao, Picong, Lanao del Sur, noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region Director Brig. Gen. Christopher Abecia, nagsagawa ng operasyon ang Picong Municipal Police Station at regional at provincial police mobile force units matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga concerned citizen.
Batay sa intelligence report, may mga lalaking nagkakarga ng mga puslit na sigarilyo sa isang cargo truck sa loob ng bodega. Gayunman, nagsitakas ang mga ito nang papalapit na ang mga pulis at iniwan ang mga kontrabando.
Nakumpiska ang imported na Cannon, San Marino Gold, Fortune, Platinum Seven, Fort at Commando cigarettes.





Comments