CRISTY FERMIN, AYAW NANG PATULAN ANG MGA BANAT SA KANYA NI LIEZL
- BULGAR
- Oct 28, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 28, 2021

Bilang isang ina, naiintindihan ni Cristy Fermin ang pinanggagalingan ng galit sa kanya ng ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco. Kaya naman ayaw na niya itong sagutin pa.
Sa kanyang programang Cristy Ferminute ay may nagtanong kasi sa kanya kung ano ang masasabi niya na sumawsaw na rin sa issue si Liezl at sey ni 'Nay Cristy, mas gusto pa niyang kumain ng pansit kaysa magkomento. Hahaha!
Ayon kay 'Nay Cristy, pareho silang ina ni Liezl kaya naman nauunawaan niya ang pagtatanggol nito sa anak.
“Nanay si Liezl Sicangco, nanay din ako. May mga anak kaming pareho. Sigurado, kapag dalawang puso ang nag-usap, dalawang puso ng mga ina, magkakaintindihan.
“Natural, anak niya si Kylie, ipagtatanggol niya. Kung paanong aangat din ako kapag ang anak ko, kailangan kong idepensa. Alangan namang ibang tao pa ang kampihan namin. 'Di ba? Kaya naiintindihan ko,” sey ng beteranang manunulat/TV and radio host.
Ayaw na rin daw niyang sagutin pa ang mga sinabi ni Liezl against her sa post nito.
“Du'n sa mga pinagsasabi ni Liezl sa post niya, bahala na ang husgado ng bayan ang bumalanse sa mga salitang ipinukol mo sa akin,” wika ni 'Nay Cristy.
Dagdag pa niya, “Saka, feeling ko lang, ha, hindi tayo magkakaintindihan. Paos ako. Humal ka namang magsalita. ‘Di ba, 'yung boses niya, parang nanggagaling sa ilalim ng lupa?
Matatakot ako, tagal na nga akong takot sa boses mo, 'di ba? Takot na takot ako.”
To close the topic, pahayag ni 'Nay Cristy, “Ang punto ko lang, pareho kaming nanay, pareho kaming nanganak na dinala namin nang siyam na buwan. Mauunawaan niya ako bilang nanay.
Uunawain ko rin siya bilang nanay. Hanggang doon lang po ang masasabi ko.”




Comments