top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

CRISTY, BINANATAN SI KYLIE SA PAGTAWAG SA KANYANG MATANDA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2021
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 23, 2021





Hindi namin nagustuhan ang paraan ng pagsagot ni Kylie Padilla sa veteran writer-host na si Cristy Fermin dahil lang sa nasaktan siya sa ginawang pagtatanggol ng huli kay Aljur Abrenica.


Sa latest post ni Kylie sa socmed, sinabihan niya si Cristy ng, "Grow up. Ang tatanda n'yo na," dahil sa inilabas ng kolumnista-TV host na kuwento na may source na nagparating sa kanya na hindi raw pinakakain ni Kylie si Aljur sa bahay nila dahil hindi naman ito ang gumagastos.


Sabi pa ni Cristy, lagi raw may kausap si Kylie sa telepono, na siyempre pa, imposible namang hindi magduda si Aljur.


Hindi ganito ang inaasahan namin kay Kylie. Nawala na yata ang respeto sa matatanda ng anak ni Robin Padilla. Tiyak na hindi rin ito magugustuhan ni Binoe at hindi niya papanigan si Kylie.


Lumabas ang pagiging maldita at rebelde ni Kylie. Tiyak na marami rin ang dismayado ngayon sa kanya. Mas mabuti sana kung nag-post na lang siya ng depensa sa mga maling akusasyon sa kanya.


Sino pa ang kakampi ngayon kay Kylie? Dapat ay siya ang lumabas na api at underdog sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica. Pero, hindi maganda ang ibinunyag ni Aljur na siya ang unang nagtaksil kaya sila nagkahiwalay.


At ngayon, inaaway ni Kylie ang media dahil sa mga lumalabas na balita? Makakatulong ba 'yan sa career ni Kylie?


Paano niya makukuha ang simpatya ng publiko? Paano niya lilinisin ang kanyang imahe? Dapat ay nag-isip-isip muna si Kylie bago pinatos si Cristy Fermin. Dapat humingi siya ng payo sa kanyang amang si Robin Padilla.


SAMANTALA, kahapon din, agad naglabas ng kanyang saloobin si Kabsat Cristy Fermin sa mga banat sa kanya ni Kylie Padilla.


Sa kanyang show na Cristy Fer Minute, matitindi rin ang naging resbak ni Cristy sa anak ni Robin.


Aniya sa aktres, "Kylie, alam mo. Hindi mo pupuwedeng manduhan ang mga manunulat kung ano ang kanilang sasabihin at kanilang susulatin. Katulad ko, ako’y isang kolumnista. Hindi mo ako puwedeng diktahan kung ano lang ang gusto mong mabasa mula sa columns ko."


Dagdag pa nito, “Kylie, hindi pa ipinanganganak ang artistang magmamando at magdidikta sa akin na kung ano ang dapat ko lang sulatin at sabihin. Sorry sa 'yo, maling puno ang kinahulan mo. Maraming salamat sa 'yo, Ms. Kylie Padilla-Abrenica.”


Ano kaya ang masasabi ni Robin Padilla sa kinasasangkutang gulo ngayon ng kanyang anak?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page